Jessy Larawan mula sa IG/@jessymendiola

Jessy sinupalpal netizen na pumuna sa sexy shoot niya

December 5, 2023 People's Tonight 157 views

HINDI napigilang banatan ng celebrity mom na si Jessy Mendiola ang komento ng isang netizen sa kanyang birthday photoshoot video.

Kamakailan lamang ay ipinagdiwang ni Jessy ang kanyang ika-31 kaarawan. Bilang selebrasyon, nagkaroon siya ng birthday shoot kung saan ibinandera ng aktres ang kanyang sexy body.

Umani ng samu’t saring komento mula sa netizens ang posts ni Jessy sa kanyang Instagram page.

Sey ng isang netizen ay masagwa raw kay Jessy na magkaroon pa ng sexy concept na photoshoot dahil raw isa na siyang ina.

“‘Di na bagay sayo ganyan may peanut kana.. Masagwa tingnan,” komento ng netizen.

Sinupalpal naman ni Jessy ang komento sa kanya ng netizen at sinabing tigilan na ang mom shaming. Dahil daw sa ganoong pag-iisip kaya hindi nagiging komportable at confident sa katawan ang ibang magulang na katulad ng aktres.

“So kapag may anak bawal [na] maging comfortable sa sariling katawan? Stop/mom parent shaming… it’s because of people like you kaya nahihiya mga ibang nanay maging comfortable at confident sa sarili nila,” sey ng celebrity mom.

“Just live and let live. Hindi ka naman inaagrabyado,” dagdag pa niya.

Sa kanya namang IG story, nag-iwan ng mensahe si Jessy sa kapwa niya mga ina na huwag nilang kalimutan ang kanilang mga sarili dahil ang pagiging magulang ay isa lamang daw sa marami nilang roles.

“Us moms are allowed to be confident and happy in our own skin. Let us be. We can be comfortable with ourselves and be a mom, too. Isa lang sa roles namin ang pagiging nanay. Sana mas dun tayo sa wag kalimutan din ang sarili natin kahit nanay na,” pahayag ng aktres.

AUTHOR PROFILE