Alex Larawan mula sa IG/ @cathygonzaga

Alex Gonzaga nag-iingat na sa jokes: ‘Hirap magpatawa ngayon’

December 5, 2023 People's Tonight 190 views

NAG-IINGAT na sa pagpapatawa ang comedienne-actress at vlogger na si Alex Gonzaga dahil daw baka maka-offend siya ng ibang tao.

Sa panayam kasama si Isko Moreno, napag-usapan nila ang mga content na inilalabas ni Alex sa kanyang pagiging vlogger.

“Ay, syempre minsan nauubusan na po tayo. Lalo na syempre ngayon medyo ‘yung generation po noon, nung nagsimula ako, medyo tumatanda na so medyo bago na ‘tong generation. Itong bagong generation, syempre may iba na rin silang gusto saka meron silang ibang take sa comedy,” saad ng comedienne-actress.

“Syempre, kailangan niyo pong balansehin kung paano magiging hindi nakaka-offend. Although tao, nagkakamali rin po tayo lalo na sa form of comedy ko,” pagpapatuloy niya.

Paliwanag pa ni Alex ay mas mahirap daw magbitaw ng jokes ngayon kaysa noon dahil sa social media.

“Ang hirap magpatawa ngayon nang meron kang hindi mao-offend. Which is naiintindihan ko naman kasi syempre, dati, nung mga panahon na ‘yon wala namang social media,” aniya.

“Saka mas naririnig mo ‘yung lahat ng saloobin ng tao kung meron ka bang matatamaan doon sa mga jokes mo. So ‘yun medyo magiging maingat,” dagdag pa niya.

Matatandaang nasangkot mula sa katakut-takot na pambabatikos mula sa netizens si Alex matapos mag-viral ang video kung saan pinahiran niya ng icing ng cake sa noo ang isang waiter noong January ngayong taon.

AUTHOR PROFILE