Tiktok2

TIKTOK STAR OF THE DAY

December 5, 2023 People's Tonight 191 views

TiktokTiktok1Tiktok3Tiktok4HINDI maikakaila ang taglay na ganda at kinang ng digital creator na si Janiya at patunay nga diyan ang kanyang epektibong presensiya sa TikTok.

Si Janiya Romero o kung minsan ay kilala ng kanyang mga social media followers bilang “Jaja” ay isang TikTok sensation at content creator na sumasabay sa pamamayagpag ng iba sa nasabing social media platform.

Sa kasalukuyan, ang TikTok star ay mayroong higit 60 thousand followers at halos 350 thousand likes sa kanyang account na may username na @janiyummm. Bukod pa rito, sinusubaybayan din ng netizens ang dalaga sa account niya sa Instagram na may username ring @janiyummm, na mayroon nang higit 11 thousand followers sa kasalukuyan. Kabog din ang social media presence ng dalaga sa Facebook, ang kanya ngang page ay mayroong halos 12 thousand followers ngayon.

Ibinabandera ng TikTok star ang kanyang angking ganda, perfect body, pagiging fashionista, at higit sa lahat ang kanyang husay sa pagsayaw sa kanyang social media dahilan para magningning ang kanyang ngalan.

Bukod pa rito, todo flex din si Janiya sa kanyang mga kaibigan, isinasama pa nga niya sila sa kanyang mga dance videos.

Tunay ngang unti-unting nakikilala ang ngalan ni Janiya sa mundo ng social media bilang digital creator at ilan nga sa mga ebidensiya nito ang umaagos na suporta sa kanya ng mga tagahanga.

AUTHOR PROFILE