Beauty

Beauty, naiyak kay Norman

April 15, 2023 Vinia Vivar 371 views

Hindi napigilang maging emosyonal ni Beauty Gonzalez nang mapag-usapan ang relasyon nila ng asawang si Norman Crisologo sa kanyang media launch bilang first celebrity endorser ng Hey Pretty Skin.

Sobrang thankful ng aktres na nagkaroon siya ng asawang napakabait, understanding at sobrang supportive.

“He allows me to do what I want, he allows me to be continuously doing this and I know when times get rough and kung hindi man maganda, kung madapa ako, no judgment, he will hold my hand and he will always be there to support me,” sey ni Beauty.

Napakarami nga raw marriage na nauuwi sa hiwalayan at napakasuwerte niya na kahit minsan ay hindi siya nagkaroon ng problema sa mister.

“Thankful lang talaga ako na may taong dumating na ganu’n sa buhay ko kasi if it was a different guy, I wouldn’t be here siguro right now,” she said.

Of course, hindi naman daw masasabing perfect ang kanyang buhay at may panahon nga rin na nagkaka-anxiety siya at lagi na’y nandiyan ang asawa para alalayan siya.

“He keeps me balanced. I don’t wanna think but if he’s gone, I don’t know what will happen to me,” sey ng aktres na medyo teary-eyed na.

Asked kung bakit siya nagiging emosyonal, tuluyan na ngang napaiyak si Beauty.

“Paano ko ba i-e-explain? Ano, eh, I never had this support from my family,” sey niya.

“Wala lang, kasi hindi naman natin nakukuha lahat ng suporta sa pamilya natin mismo and nakuha natin sa asawa natin,” sabi ng aktres.

Samantala, binabawi na ni Beauty ang nauna niyang pahayag na five years na lang siyang mananatili sa showbiz.

Matatandaang may nabanggit ang Kapuso actress last year sa interview na gusto niyang magretiro habang nasa peak pa siya at hindi pa laos para graceful exit, kumbaga.

Pero mukhang malabo ngang mangyari ito at the rate things are going dahil talaga namang sunud-sunod ang mga blessing niya, ang latest of which ay ang endorsement niyang Hey Pretty Skin.

Bukod dito ay may dalawa rin siyang upcoming TV series sa GMA-7.

Kaya pag-amin ng aktres, nagkamali siya sa pagsasabi na titigil na siya after five years.

“I was wrong at that time, people make mistakes and, you know, sinabihan ako ng asawa ko, ‘nakakatawa ka, five years, and now may sitcom ka coming, may ganito ka coming, you might be leaving abroad for a movie, so are you sure?’ sabi niya,” natatawang sey ni Beauty.

Sey daw niya sa asawa, “Maybe, another five years?”

Kaya extended na ang kanyang pagreretiro at na-realize na marami pa pala siyang pwedeng gawin sa showbiz.

“Naisip ko kasi dati na ayoko namang mag-retire na ganu’n (laos). Tapos naisip ko naman ngayon na parang masyado akong na-excite na mag-retire. Parang ang dami pa palang pwedeng mangyari. And then when I look at myself, when Hey Pretty Skin got me, and the sitcoms, and this movie, the shows, parang sabi ko na ‘it’s too soon.’ Mali ako,” aniya.

As the new face of Hey Pretty Skin, happy at nervous si Beauty dahil siya nga ang pinakaunang celebrity endorser ng nasabing skin scare company na pag-aari ni Anne Barretto.

“I am very thankful for the trust they have given me. Hey Pretty Skin has been in the market for only one year and for them to pick me as their first celebrity endorser is really a big deal. I must admit, I feel a bit of pressure but I trust Ms. Anne, her vision and most importantly, I believe in her products and how it can really help people achieve better glowing skin and feel good inside,” ani Beauty.

Ayon naman kay Anne, Beauty was chosen as the endorser for having that beautiful glow inside and out, just like Hey Pretty Skin.

AUTHOR PROFILE