Hori7on

Unang fan meet ng Hori7on, sold out

April 15, 2023 Ian F. Fariñas 402 views

Sold out na ang tickets ngkauna-unahang fan meeting ng Hori7on na Hundred Days Miracle: Hori7on First Fan Meeting limang araw pa lang nang nagsimula ang bentahan nito.

Hindi na nga mapakali ang fans na makita sina Jeromy Batac, Marcus Cabais, Kyler Chua, Vinci Malizon, Reyster Yton, Kim Ng at Winston Pineda nang personal sa Abril 22 sa New Frontier Theater.

Nag-trending din ang parehas nilang hashtag na #Hori7onFirstFanmeeting at #100DaysMiracle sa Twitter noong Sabado (Abril 8). Sa ngayon, tanging balcony tickets na lang ang available.

Samantala, tumabo naman ng higit dalawang milyong views ang music video ng kanilang pangalawang debut single na Salamat. Inaalay nila ang nasabing kanta para sa kanilang mga tagahangang sumuporta sa kanila noong nasa Dream Maker pa sila hanggang sa nalalapit na debut nila ngayong Hunyo.

Bukod pa r’yan, umabot na rin sa higit 100,000 streams sa Spotify ang kanilang unang pre-debut single na Dash.

Marami-rami na nga ang achievements na nakukuha ang grupong Hori7on na nabuo noong isang buwan matapos hirangin na winners sina Jeromy, Marcus, Kyler, Vinci, Reyster, Kim at Winston ng idol survival show na Dream Maker.

AUTHOR PROFILE