Bautista, Garafil nagbigay ng pag-asa

July 2, 2022 Jun I. Legaspi 153 views

Jun LegaspiPUNO ng pag-asa ang commuter at transport groups sa pagkakatalaga ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kay Secretary Jaime Bautista ng Department of Transportation (DOTr) at Atty. Cheloy Garafil bilang Chairperson ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ayon sa transport groups, kung baga sa chess 1st move pa lang, ngunit ang ganda kaagad ng desisyon ni Sec. Bautista sa pagpa-approve kay President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang extension ng Libreng Sakay hanggang sa December 2022.

Taos puso ang pasasalamat ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa mabilis na pag approve ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa extension ng “Libreng Sakay,”.

Sabi ni Atty. Ariel Inton ng (LCSP) sa Transport@pasahero napakalaking tulong nito sa taong bayan.

Pinapatunayan ng mga taong nasa likod ng airline industry, aviation at airports ang integrity, humility, honesty, sipag at karanasan ni Sec. Bautista upang mas higit pang mapaunlad at mapanatili ang world class operations ng air, sea, land at railway transportation sa bansa.

Maging ang mga media personnel at mga dating kasama sa trabaho na nakasama ni Sec. Bautista noong nasa Philippine Airline pa eto ay nagpapatunay sa magandang reputasyon at nagsasabing tama si Sec. Bautista sa DOTr. Napakalaking bagay anila ang pagiging approachable at open minded ni Sec. Bautista.

Kung gaano kataas ang expectation ng airline industry kay Sec. Bautista, ganun din ang inaasahan ng transport sector o public transportation kay Atty. Garafil.

Inaasahan ng lahat ng nasa transport industry (bus, taxi, traditional jeepney, bagong jeepney, TNVS, school service, motorcycle taxi, trucks, at haulers) na bubuksan ni Garafil ang kanyang opisina para sa mas higit na pagtatalakayan upang mas mapaunlad pa ang serbisyo ng public transportation lalo na ng traditional at bagong jeepneys.

Puno din ng pag asa ang lahat ng transport groups kay Chairperson Garafil para sa mas higit na makabuluhang paguusap upang maresolba agad ang mga isyu na dapat ayusin.

Sec. Jaime Bautista ng DOTr at Chairperson Atty. Cheloy Garafil MABUHAY KAYO!

AUTHOR PROFILE