Fire

Bahay ng reporter nasunog, 4 na bumbero nabagsakan ng sahig

November 1, 2023 Jonjon Reyes 221 views

Bahay ng reporter nasunog, 4 na bumbero nabagsakan ng sahig na meyembro ng pamatay sunog ang sugatan matapos mabagsakan ng sahig na bahagi ng isang bahay habang inaapula ang natutupok ng sunog na sumiklab sa may Sampaloc, Maynila, Miyerkules ng hapon.

Kabilang sa mga kabahayan na nasunog ay ang tirahan ng radio reporter na nakilalang si Grace Mariano, ng DZXL at ang mister nitong si Capt. Paul Mariano, ng Philippine Coast Guard. Ang kanilang bahay ay nasa kahabaan ng Calamba corner Sisa Streets, Sampaloc.

Sa inisyal na ulat ng Bureau of Fire Protection- Manila, nagsimulang sumiklab ang sunog bandang alas-12:39 ng hapon sa residential area sa nasabing lugar.

Agad na itinaas ang sunog sa ikalawang alarma dakong alas-12:46 ng hapon. Makaraan ang halos isang oras na pag0aapula ng mga bumbero sa sunog, dakong ala-1:31 ng hapon ng magdeklarang fire under control at tuluyang naapula alas-2:21 ng hapon fire out..

Ayon sa report, habang nasa kasagsagan ng pagbomba ang apat na bumbero kasama ang isang babae sa isang bahay sa 1635 Sisa Street ay biglang bumigay ang sahig kasama ang bubungan na bumagsak sa kanila .

Gawa sa mga light materials ang ikalawang palapag ng naturang bahay kung kaya’t minor injuries lamang ang tinamo ng mga bumbero. Agad naman silang nalapatan ng paunang lunas at nasa maayos nang kalagayan.

Samantala, wala namang naiulat na nasaktan sa mga residente maging ang buong pamilya ng reporter na si Mariano.

Ayon kay Grace natupok ang ikalawang palapag ng kanilang bahay habang naisalba naman ang unang palapag na gawa sa semento sa nasabing sunog.

AUTHOR PROFILE