Default Thumbnail

Misis, ‘bf’ nahuli ni mister na nagtatalik

November 1, 2023 Melnie Ragasa-limena 228 views

HULI sa akto ng isang mister ang kanyang misis habang nakikipagtalik umano sa kanyang kalaguyo sa loob mismo ng kanilang tahanan sa lungsod Quezon nitong Martes ng gabi.

Sinampahan ng kasong adultery ang 40-anyos na ginang at ang umano’y kalaguyo nito.

Lumilitaw sa imbestigasyon ni PMSg. Arnel Campos ng Quezon City Police District Station 5 na nadiskubre ng mister ang “pagtataksil” ng misis at kalaguyo dakong alas-7:40 ng gabi sa loob mismo ng kanilang bahay.

Dumating umano siya galing sa trabaho at naabutan pang kapuwa hubo’t hubad at nagtatalik ang misis at ang kalaguyo nito.

Desidido umano ang mister na ipakulong ang dalawa.