Default Thumbnail

4 na suspek na bugaw tiklo; 10 biktima nasagip sa La Union

May 4, 2024 Jonjon Reyes 96 views

INARESTO ng National Bureau of Investigation-Ilocos Regional Office (NBI-IRO) sa San Fernando City, La Union ang apat, kasama ang tatlong menor-de-edad, na lalaki dahil umano sa pambubugaw ng mga menor-de-edad para sa sexual services.

Sampung babae din ang nasagip sa entrapment na isinagawa sa pakikipag-ugnayan sa ibang government agencies.

Walo sa mga biktima ang menor-de-edad base sa dental aging examination na isinagawa sa mga biktima. Inilipat na sa kustodiya ng Department of Social Welfare Development ang mga biktima.

Isinailalim na sa inquest proceedings sa City Prosecutor ng San Fernando, La Union ang nasa hustong gulang na suspek para sa pagsasampa ng mga kasong paglabag sa Cybercrime Law at Anti-Trafficking in Person Act of 2003..

Sa impormasyon mula sa Project Rescue Children Philippines Inc. (PRC), natuklasan ang trafficking activities ng isang suspek na nag-aalok ng mga menor-de-edad para sa sexual services kapalit ng P2,5000 hanggang P3,500 na bayad.

Nadiskubre din na tumatanggap ng P500 komisyon ang mga bugaw sa bawat babae, na may edad 14 hanggang 17-anyos, na makakakuha ng customer.

Nag-aalok din umano ang mga suspek ng illegal na droga tulad ng dubi, marijuana at party drugs.

AUTHOR PROFILE