Rose Larawan: Rose Villanueva/IG

‘Do not disturb’

May 23, 2024 People's Tonight 98 views

LAKAS maka-Gen Z ng atake ng social media personality na si Rose Villanueva sa latest post nito sa kanyang Instagram.

Sa naturang post, tampok ang kanyang larawan habang nasa isang cable car sa Hong Kong at enjoy na enjoy ang bakasyon. Aniya, “On dnd (do not disturb) for a while but she’s back now.”

Sexy ang dalaga sa kanyang signature denim pants, fitted top na pinatungan ng leather jacket, at nakalugay nitong buhok, na animo’y bida sa isang action film.

Umani ng papuri si Rose sa kanyang mga hardcore fans. Napuno naman ng heart at fire emoticons ang kanyang post.

Hindi nagpahuli ang netizens na magkomento sa post ni Rose. Ilan sa kanilang sey ay ang mga sumusunod: “it’s illegal you can’t be that gorgeous”; “Nice snaps”; “So fineee.”

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar