Zsara Larawan mula sa IG/Zsara Laxamana

Pampatirik

May 23, 2024 People's Tonight 110 views

KAHIT na lubog na ang araw sa gabi, pampatirik pa rin ang kaseksihan ng Vivamax actress na si Zsara Laxamana.

Makalaglag-panga ang ganda ng pigura ng sexy star sa ibinandera niyang larawan sa Instagram.

Sa ibinahaging larawan, makikita ang wet na wet na Zsara sa swimming pool.

Kahit na sinong nasa opposite sex na kanyang tagasubaybay ay titirik ang mga mata sa perpektong kurba ng katawan ni Zsara at makinis na balat nito.

Pangarap nga ng mga kelot na makasama siya sa paglublob sa kumukulong jacuzzi dahil mapapa-“j” din sila kapag siya na ang kasama.

Wala mang makeup, litaw pa rin ang kariktan ni Zsara.

Bakas na bakas sa kanyang comment section ang pagpapakulo ng libido ng Vivamax actress. Snabugan kasi ng hearts at fire emojis ang post niya.

Ilan nang proyekto ang naitampok si Zsara, kabilang na rito ang Sugar Baby (2023), Salisihan (2024) at Dearly Beloved (2024).

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar