Sue Larawan mula sa IG/Sue Ramirez

Itsy bitsy teenie weenie yellow bikini

May 23, 2024 People's Tonight 113 views

HINDI lang kulay dilaw ang sumabog sa Instagram post ng model-actress na si Sue Ramirez dahil maging kanyang kaseksihan din ay nagkalat sa feed ng netizens.

Sa Instagram page ng aktres, kinabaliwan ang mga ibinahagi nitong larawan kung saan bidang-bida ang kulay dilaw.

Kahit saan ka lumingon sa post ni Sue, yellow ang makikita mo. Hindi nga lang positive vibes ang hatid nito sa mga kelot, sexy vibes din na pampagana sa kanilang pantasya.

Angat ang walang kupas na kaseksihan ng aktres sa mga bikini photos na ibinida niya.

Perfect ang timpla ng kanyang katawan at ganda sa suot na two-piece swimwear.

Noon pa man ay pantasya na ng mga kelot si Sue sa pagiging bombshell nito. Magpahanggang ngayon ay hindi patitinag ang mga ito kahit na binabakuran na si Sue ng kanyang nobyong Mayor ng Victorias City, Negros Occidental na si Javi Benitez.

Sa comment section nga ng nasabing post ay pinagkaguluhan ang ibinanderang hotness ng aktres. Kahit na full of yellow ang post ni Sue, naging green-minded naman ang mga barako sa patakam niya.

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar