Shiela Larawan mula sa IG/Sheila Snow

‘Getting finer with every swipe’

May 23, 2024 People's Tonight 89 views

HINDI man siya pagkain na pares, pero overload ang pagpapatakam ng Vivamax actress na si Sheila Snow sa social media.

Ang mga barako tuloy ay bet siyang gawing “mami” na hihigop-higupin nila kahit mainit na ang panahon para pagpawisan.

Siya na yata ang diwata na kanilang hinahanap at gustong maging kapares sa buhay kaya pinipilahan ng mga titig ang mga larawang ibinahagi niya sa Instagram page.

May kasamang lapot ang sex appeal ng sexy star. Talagang didikit sa kanya ang mga titig ng mga kalahi ni Adan.

Makikita si Sheila sa mga larawang ibinida niya na glowing ang ganda habang nasa beach. Todo-promote siya sa isang brand ng beer na hawak niya.

Hindi rin nagpatalo ang “behind” ng hot actress. Palaban sa patambukan si Sheila sa suot niyang T-back.

Halos lahat ng bahagi ng katawan niyang may pisngi ay ibinuyangyang niya sa kanyang post. Panalo naman kasi ang kakinisan ni Sheila kaya keri lang kung iluwa niya ang mga ito sa harap ng camera.

Bumulwak ang heart at fire emojis sa comment section ni Sheila. Damang-dama nila ang dalang init ng kanyang alindog.

Hirit pa nga ng isang netizen sa kanyang mga larawan “getting finer with every swipe.”

Nakilala ang nasabing sexy star sa kanyang mga pagganap sa ilang palabas kabilang na ang Pabuya, Lawa, Hilom, at Ligaw na Bulaklak.

AUTHOR PROFILE

Sexiest Pinay

SHOW ALL

Calendar