Huli SABIT–Kulong ang kinahantungan ng suspek na ito dahil sa illegal na droga matapos matimbog ng mga pulis sa Binondo, Maynila. Kuha ni Jon Jon Reyes

Drug suspek sa Binondo laglag sa parak

May 4, 2024 Jonjon Reyes 61 views

LAGLAG sa mga pulis ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Manila Police District ang 36-anyos na drug suspek sa buy bust sa Lara St. malapit sa Delpan St., Binondo, Maynila noong Sabado.

Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, hepe ng Binondo police station 11, ang suspek na si alyas Bossing ng Vista Verde Subdivision, Bacoor Cavite.

Sa ulat ni Police Major Bernardino Venturina, bandang 4:45 ng umaga ng makatanggap ng report ang Station Tactical Operation Center (STOC) kaugnay sa nagaganap na bentahan ng iligal na droga sa nasabing lugar.

Doon na ikinasa ang buy bust operation sa Lara St. at pagkakasamsam sa 16 na bulto ng hinihinalang shabu na may value na P108,800 mula sa natimbog na suspek.

AUTHOR PROFILE