Lola Ang natagpuang bangkay. Kuha ni JONJON C. REYES

Lola, 81, nakitang bangkay matapos mangamoy ang silid

May 22, 2024 Jonjon Reyes 76 views

DAHIL sa masangsang na ang amoy nadiskubre ang bangkay ng 81- anyos na lola sa silid nito sa unit 15 – B-19 sa isang condominium sa Taft Avenue, Barangay 696, Malate,Manila, Martes ng hapon.

Nakilala ang biktimang si Lola Susana.

Base sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Police Captain Dennis Turla,hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang 4:45 ng hapon nang magreport si Det. Dennis Suba, may hawak ng kaso, na may masangsang na amoy mula sa silid ng biktima.

Agad nag-inspection ang nakatalagang security guard at nakita nito ang matanda na may ilang araw nang patay

Nagtungo ang mga tauhan ng MPD- Forensic Unit sa pangunguna ni Police Captain Rex Manlansing para sa masusing pagsisiyasat.

Bukod dito, dumating din sa Condo ang Body and Light Funeral para sa kaukulang awtopsiya.

AUTHOR PROFILE