Policewoman Source: Northern Kabuntalan Mps Wcpd FB file photo

Policewoman binugbog 15-anyos na GF ng ka-live in

May 24, 2024 Melnie Ragasa-limena 88 views

ARESTADO ang isang policewoman ng bugbugin ang 15-anyos na kasama umano ng kanyang live in partner sa motel sa Quezon City noong Biyernes.

Sa report na natanggap ni Quezon City Police District (QCPD) director Brig. Gen. Redrico Maranan, nangyari ang insidente pasado alas-4:00 ng umaga.

Nahuli umano ng policewoman ang kaniyang live in partner habang papalabas ng apartelle sa Project 8, Quezon City kasama ang diumano’y 15-anyos na dalagitang kalaguyo nito.

Kinaladkad daw ng policewoman ang menor-de-edad na kasama ng kanyang live in partner. Nakatikim pa ng sampal, sipa sa tiyan ang biktima mula sa suspek.

Hindi pa umano nakuntento, binitbit ng suspek ang 15-anyos sa kanyang sasakyan.

Ayon sa biktima, huminto sila sa isang condominium at dinaanan ang isang kamag anak ng biktima.

Maging sa nasabing kamag anak ng suspek nakatikim din ng pananakit ang biktima dahil hinataw umano siya nito ng baril sa ulo.

Dinala umano siya ng policewoman sa tahanan nito kung saan ay may isa pang kamag anak na menor de edad ang nanakit sa kaniya.

Pinagtulungan umano siyang bugbugin ng tatlo at halos mawalan siya ng malay sa nangyari.

Hindi nabanggit sa report kung pano nakatakas ang biktima mula sa tahanan ng suspek.

Ngunit nagawa nitong humingi ng tulong sa pulisya.

Naaresto ang policewoman at ang kamag anak nito na menor de edad habang patuloy na pinaghahanap ang isa pa nilang kasabwat.