Joey

Baguhang cast ng ‘Katawang Lupa,’ challenge para kay Direk Joey

July 9, 2022 Ian F. Fariñas 1775 views

CHALLENGE para sa batikang direktor na si Joey Reyes ang makatrabaho ang mga baguhang artista gaya ng cast niya sa kanyang kauna-unahang crime story na Katawang Lupa para sa Vivamax.

Sa storycon kahapon ng nasabing proyekto, na pagbibidahan ng dating beauty queen na si Janelle Tee kasama sina Migs Almendras, CJ Jaravata, Micaella Rax, Azi Acosta, Axel Torres at Greg Hawkins, sinabi ni Direk Joey na lumalabas ang pagiging teacher niya kapag nakakatrabaho ang mga baguhan.

“It becomes a learning process,” katwiran pa niya.

Ang Katawang Lupa ay isang four-part series na matagal na umanong balak gawin ng direktor, wala nga lang platform na pwedeng paglabasan ng maseselang eksena rito.

Kaya naman excited ang direktor ngayon dahil perfect ang platform ng Vivamax para sa materyal niyang ito.

Adult series ang Katawang Lupa na tatalakay sa duality ng isang tao.

“It’s a crime story in the sense that it’s an investigation of a murder victim,” kwento ng direktor.

Sa takbo ng imbestigasyon, may mabubuksang iba’t ibang kwento tungkol sa naging buhay ng biktima na noong nabubuhay pa ay may tinatawag na “double life.”

Si Janelle, na unang nahawakan ni Direk Joey sa Vivamax original movie na Secrets, ang gaganap sa papel ng murder victim.

Unang eksena pa lang daw sa unang episode, bangkay na nito ang bubungad sa audiences at dito na tatakbo ang istorya ng mini-series.

“Mahal ko si Janelle mula nang magkakilala kami sa Secrets,” tukoy ng direktor sa female lead.

Masuwerte nga raw siya na nakaka-deal niya ang showbiz newbies tulad ng Katawang Lupa cast dahil natsa-challenge siya na turuan ang mga ito at matuto rin sa kanila.

Kaya magiging highly collaborative ang takbo ng trabaho sa set.

Siyempre, flattered si Janelle sa mga papuri ni Direk Joey sa kanya.

Okay lang daw kahit magmukha siyang curacha at walang pahinga sa sunud-sunod na proyekto dahil basta si Direk Joey ang kasama niya, hindi siya nakakaramdam ng pagod.

“He feeds me so well, hahaha!” banggit ni Janelle.

Dagdag niya, “Ang lalim na tao ni Direk Joey. Para sa isang baguhang tulad ko, maraming takeaways from Direk Joey. I super love Direk Joey really and I’m very excited to work with him again.”

Samantala, looking forward ang direktor sa mga susunod pa niyang proyekto para sa Viva at Vivamax dahil siya ang nakatakdang mag-line produce ng mga pelikula ng ilang bagong direktor dito.

Magsisimulang mapanood sa Vivamax ang unang episode ng Katawang Lupa sa September 25.

AUTHOR PROFILE