Gary

Gary, may struggle sa boses at lalamunan

July 9, 2022 Vinia Vivar 349 views

Ilang linggo na palang may problema sa lalamunan si Gary Valenciano at nangangamba siya dahil may papalapit siyang musical play, ang Joseph, The Dreamer.

Kaya naman sa kanyang social media account ay nag-post si Mr. Pure Energy ng isang panalangin sa Diyos na sana’y pagalingin siya bago sumapit ang musical.

“Lord… you know I’ve been struggling with the my voice and throat for weeks now. Joseph The Dreamer is in 8 days. I need your help Lord. Thank You for Your faithfulness. I know You will never put me to shame. Pls come, heal, and restore my voice. In Your name Jesus I pray… Amen,” ang tweet ni Gary V. sa kanyang Twitter account.

Joseph the Dreamer marks Gary V’s return to musical theater in 23 years.

Matatandaang ginampanan niya ang titular role ng nasabing play noong 1999 at sa pagbabalik niya ngayon ay gagampanan naman niya ang role na ama ni Joseph na si Jacob.

His son, Paolo Valenciano is directing him in this year’s production.

The musical will run from July 15 to 31 at the Maybank Performing Arts Theater in Taguig.

RUFA MAE, PROUD SA PAGBABALIK-KAPUSO

Masayang-masaya si Rufa Mae Quinto na siya ang napiling magbida sa anniversary special ng Daig Kayo ng Lola Ko na magsisimula na ngayong Sunday, July 10.

“Nakakatuwang bumalik sa GMA, then binigyan pa ako ng anniversary show. Talagang happy at nakaka-proud dahil sa matitinding effects. Bukod diyan, nakahanap pa ako ng mga bagong kaibigan at puro good vibes lang kami sa taping,” pahayag ni Rufa.

Titled Bida Kontrabida, gagampanan ni Rufa Mae ang papel na Evil Quen.

Kasama niya rito sina Jo Berry as Rumpelstiltskin, Cai Cortez as Sea Witch and Andre Paras as Big Bad Wolf.

Happy rin si Jo na nakasama siyang muli sa anniversary special at ibinahagi nga niya na fan siya ng show.

“Second time ko na itong makasama sa anniversary special ng Daig Kayo Ng Lola Ko. At bago pa ako maging artista, talagang pinapanood ko na siya. Kaya thankful ako sa GMA sa mga binibigay nilang roles na pwedeng panoorin ng mga bata at kapupulutan nila ng aral,” sey ni Jo.

Si Cai naman ay nag-guest na rin dati sa nasabing show pero ito raw Bida Kontrabida ang most memorable for her.

“Grateful ako to meet new friends and create a new family here. Magandang memory ito sa showbiz career ko dahil first time ko silang makatrabaho pero nagkasundo agad kaming lahat,” ani Cai.

Happy rin si Andre sa kanyang role bilang kontrabida at looking forward daw siya na magkaroon pa ng mga ganitong papel sa Kapuso network.

“First time kong maging kontrabida pero ang good thing is very light siya for the kids. I felt young ulit kasi fairytale tapos naging character ko pa si Big Bad Wolf na kinakatakutan ko noong bata ako, so parang I also conquered my fear,” sey ni Andre.

And to make the 5th anniversary celebration extra special ay ang rare appearance ng veteran actress na si Gloria Romero as Lola Goreng.

Also in the cast are Beverly Salviejo, Dentrix Ponce, Ollie Espino, and Lime Aranya. Ito ay mula sa direksyon ni Rico Gutierrez.

AUTHOR PROFILE