Default Thumbnail

Bagatsing: VM Honey can lead Manila kung ‘aakyat’ si Yorme Isko

September 5, 2021 People's Tonight 290 views

KUNG sakali na ‘aayat’ o papalaot pa sa karera ng pulitika si Yorme Isko ay kayang-kayang igiya at pamunuan ni Vice Mayor Honey Lacuna ang Lungsod ng Maynila”.

Ito ang inihayag ng negosyante at dating konsehal ng Maynila na si Don Ramon Bagatsing.

“Walang may alam kung ano ba talaga ang plano ni Yorme sa susunod na eleksyon kundi siya at ang kanyang destiny. Kung aakyat siya next year, Yorme can pass the baton to Honey Lacuna. She can lead Manila, continue the fight against covid, and continue the development of the city,”ani Bagatsing

Sinibi ni Bagatsing na ‘workaholic’ magaling, matalino, may pusong dalisay at busilak na pagmamahal sa mga Manilenyo si doktora Honey Lacuna.

“I’ve seen firsthand how she handled the COVID pandemic, behind the scenes. No fanfare, no gimmicks, just work. “

Ayon pa kay Bagatsing, kung mananatili pa ang COVID-19 sa ating bansa hanggang next year ay kailangan ang lider na may medical experience at malawak na karanasan para i-manage ang lokal na ekonomiya at lumikha ng maraming trabaho sa mga Manilenyo.

“COVID-19 is here to stay for the next few years, so leaders need medical experience first, in tandem with managing the local economy and creating jobs for all Manileños. ”

Giit pa ni Bagatsing, kailangan ay maipagpatuloy ang magandang nasimulan sa Maynila.

“You will need continuity in policies next year, because andyan pa ang COVID at bagsak ang ekonomiya. May plano na e, kinasa na ni Isko, so itutuloy nlang ni Honey” sabi pa ng dating Konsehal.

“Pag paangat na ang Maynila, you dont change horses in mid stream,” sabi ni Bagatsing.

AUTHOR PROFILE