Default Thumbnail

3 laglag sa droga, boga sa Cotabato

April 30, 2024 Alfred P. Dalizon 65 views

TATLONG obrero ang dinakip ng mga pulis sa President Roxas, Cotabato City noong Linggo dahil sa iligal na baril at marijuana.

Kinilala ang mga akusado na sina alyas Sanny, 30; Jerry, 42; at Ricky, 30, pawang residente ng Purok 10, Brgy. Zio Tankulan, Damulog, Bukidnon.

Ayon sa ulat, nakuhanan ang tatlo ng isang kaliber .45 na pistol, apat na bala at plastic na puno ng tuyong dahon ng marijuana sa Purok 6, Brgy. Poblacion, President Roxas.

Nahaharap ang tatlong akusado sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulations Act of 2013 at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

AUTHOR PROFILE