RIT

Traffic enforcer utas sa RIT

April 30, 2024 Dennis Abrina 87 views

BACOOR CITY, Cavite–Pinagbabaril hanggang sa mamatay ng riding-in-tandem (RIT) ang traffic enforcer sa syudad na ito sa Brgy. Talaba 4 noong Lunes.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital si Edgar Domingo na nag-aassist ng traffic ng barilin

Ayon sa report ng pulis, alas-8:30 ng gabi ng maganap ang pamamaril sa intersection ng Zapote at Kalinisan Road.

Dumating ang Honda Air Blade sakay ang 2 suspek at sunud-sunod na pinagbabaril ang biktima bago tumakas.

Naka-helmet at itim na jacket ang RIT. May posibilidad na may kinalaman ang pagpatay sa trabaho ng biktima, ayon sa mga pulis.

AUTHOR PROFILE