Default Thumbnail

Lalaki nasakote sa P102K na shabu

April 30, 2024 Alfred P. Dalizon 114 views

ISANG 49-anyos na tricycle driver sa Antipolo City ang hinuli ng mga pulis sa isang-buy-bust noong Sabado na nagresulta sa pagkakakumpiska ng mahigit P102,000 halaga ng shabu.

Sinabi ni Rizal Police Provincial Office director Colonel Felipe Maraggun na nahaharap ngayon sa non-bailable case na sale at possession ng ipinagbabawal na gamot sa ilalim ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang akusado na si alyas Louie.

Ayon kay Col. Maraggun, nahuli ang suspek sa isang operasyon na isinagawa ng mga undercover officers ng Antipolo City Police Station sa Lower Zigzag sa Brgy. Dalig bandang alas-8:30 ng umaga.

Isinagawa ang buy-bust ng Antipolo City Police Station Drug Enforcement Unit sa ilalim ni Lieutenant Col. Ryan Manongdo.

Nakuha sa suspek ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000, buy bust money at isang cellphone na kanyang ginamit sa pakikipagnegosasyon sa miyembro ng Antipolo City police.

AUTHOR PROFILE