Default Thumbnail

Pagkatapos sa NCR, ACT-CIS, aayuda na rin sa mga probinsya

September 5, 2021 People's Tonight 321 views

MATAPOS mahatiran ng ayuda ang halos lahat ng local government units (LGUs) sa Metro Manila noong enhanced community quarantine (ECQ), papadalhan na rin ng ACT-CIS ang mga lungsod at bayan sa labas ng National Capital Region (NCR) na naka-lockdown o nasa ilalim ng ECQ.

Sa isang panayam, sinabi ni ACT-CIS Cong. Eric Yap, “sa labas ng NCR naman ang papadalhan namin at ng Erwin Tulfo Action Center ng mga bigas at delata this coming days.”

Ayon kay Yap, “we are coordinating with LGUs na naka-granular lockdown para mahatiran ng tulong.”

“Ang LGU na ang nakakaalam kung anong mga lugar ang naka-lockdown at sila na ang magbibigay ng pagkain sa bawat household,” ani Yap.

“We are aware na sa bulsa na ng LGU manggagaling ang ayuda and we know na sagad na rin ang kanilang resources,” dagdag pa ng mambabatas.

Unang hahatiran ng ACT-CIS at Erwin Tulfo Action Center ng mga bigas at delata ngayong araw ang bayan ng Morong sa Bataan.

AUTHOR PROFILE