Francisco

Chef, mga MWP timbog ng MPD

September 5, 2021 Francis Naguit 570 views

NAARESTO ng mga operatiba ng Manila Police District Station 11(MPD S-11) ang isang chef na may kinakaharap na kasong statutory rape sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang akusado na si Dennis Gajo, 48, chef, ng 37-C Magsaysay St., Brgy. 107, Tondo, Manila na Top 7 most wanted sa station level (MPD-PS1).

Si Gajo ay naaresto sa kahabaan ng Quezon corner Dalandan St., Brgy 120, Tondo, ng mga tauhan ng MPD-S1 sa pamumuno ng bagong hepe na si PLt. Col. Cenon Vargas.

Ang suspek ay mayroong warrant of arrest na inisyu ni Judge Jose Lorenzo Dela Rosa, ng Regional Trial Court, Branch 4, Manila City.

Naaresto rin sa magkahiwalay na operasyon ang isa umanong miyembro ng Pereña Crime Group at number 11 most wanted person sa Tondo.

Ang suspek ay natimbog sa Gen.Luna Paco Park ng mga operatiba ng MPD Station.5 sa pamumuno ni PMAJ. Roberto Fajardo, Paco PCP-MPD Station 5.

Kinilala ang mga suspek na si Alexis Alvarez, 26, residente ng Blk 17, Old Site, Baseco Compound, Port Area Manila at Henry Ramos Infante, 51, ng Bacolod City, nakatira sa1810 San Pascual St., Malate, Manila at may mga kasong violation of Section 11 (Possession of Dangerous Drugs) Article II of Republic Act 9165.

Ayon sa pulisya, nagsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ng Intelligence Section and Station Warrant /Subpoena Server sa ilalim ng liderato ni PLtCol. Evangeline Cayaban ng Station 5 ng MPD laban kay Alvarez dahil sa kasong theft at kay Infante na hinihinalang drug pusher.

Bitbit ng mga operatiba ang warrant of arrest laban sa suspek na inisyu ni Judge Shirley L Magsipoc Pagalilauan ng Metropolitan Trial Court Branch 95.

Ang mga naarestong mga akusado ay pansamantalang nakadetine ngayon sa police station ng kani-kanilang hurisdiksyon.

Samantala, ang mga operatiba ng MPD Station 6 sa pamumuno ni PLt. Col. Orlando Mirando kasama ang mga PDEA agents ay nagsagawa ng buy-bust operation sa 1st St., Brgy 811, Zone 88 District 5 sa Paco, Manila.

Naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Alvin Torres a.k.a. Boss isang HVI, nakatira sa 1858 Oro-B St., Sta. Ana, Maynila,at at Kenneth Gal Cacho, HVI, residente ng Bldg. 4, Unit 307, Pres. Quirino Ave. Maynila.

Ang dalawang suspek ay hinihinalang miyembro ng Unyong Group at nahaharap sa mga kasong paglabag na Sec 5 at 11 (Pagbebenta ng Ipinagbabawal na Gamot) Artikulo II ng R.A. 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nahuli ng mga operatiba MPD Station 10 ang isang crime suspek na nakilalang si Alric Bobo Pelicano, nakatira sa #2887 C Lorenzo Dela Paz St., Brgy 840, Pandacan, Manila

Ang suspek ay isa sa mga most wanted ng Pandacan Police Station level. Naaresto ito noong Sabado ng umaga sa Beata St,.Brgy 838, Pandacan ng mga operatiba sa pamumuno ni PLt. Arnel Buraga.

Ayon naman sa pangangasiwa at pamumuno ni PLt. Col.Dennis Villanueva Rodriguez, commander ng MPD Station 10 sa Pandacan, ay tuloy tuloy at di sila titigil sa paghuli ng mga kriminal at mga nagtatago sa batas upang mabawasan ang mga nagkalat na kriminal at maging mapayapa, maayos at matiwasay ang kanilang mga nasasakupang lugar sa Pandacan.

Pinaalalahanan ni Manila Police District Director MPD PBGen. Leo M.Francisco ang kanyang mga kapulisan na maging maingat at iwasan ang mga di magandang gawain lalo na kapag oras ng kanilang trabaho.

Sinabi rin ni Francisco na ayon sa direktiba ni Manila Mayor Isko Moreno, walang puwang ang mga kriminal sa Maynila.

“Wag niyo kaming subukan dito sa Maynila. Masikip na ang aming mga kulungan. Pero nakahanda itong buksan upang kayo ay ikulong,” babala ni PBGen, Francisco sa mga kriminal. Nina FRANCIS NAGUIT & JON-JON REYES

AUTHOR PROFILE