Salute

Linya ng komunikasyon ng AFP sa MILF, MNLF dapat manatiling bukas—PBBM

April 30, 2024 Chona Yu 85 views

INATASAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Armed Forces of the Philippines na panatilihing bukas ang linya ng komunikasyon sa komunidad at iba pang government agencies pati na sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Moro National Liberation Front (MNLF).

Ayon kay Pangulong Marcos, isang hakbang ito para matuldukan ang gulo sa komunidad.

Sa talumpati ni Pangulong Marcos sa 6th Infantry Division sa Camp Siongco sa Cotabato, sinabi nito na dapat na panatilin ang maayos na relasyon sa seguridad, development at governance tungo sa inclusive nation-building.

“In collaboration with local communities and government agencies, we work together to address the root causes of violence, which can often be attributed to the absence of opportunities in the area. So, as peacekeepers now, in our role as peacekeepers now, we must always embrace the role of community and nation-building,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“By engaging dialogue with key stakeholders, we build resilient communities that are capable of withstanding the challenges that may come our way. I, thus, urge you to continue working hand-in-hand with the communities, including MILF and MNLF-affiliated groups, through their leaders and through our local chief executives,” dagdag ni Pangulong Marcos.

Naniniwala si Pangulong Marcos na kayang lagpasan ng mga Filipino ang ano mang uri ng balakid at tiyak na makakamit ang kapayapaan at pag-unlad.

“To our brave troops, your role becomes even more crucial as we move forward into the future,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ginawaran din ni Pangulong Marcos ng Distinguished Conduct Star (DCS) ang dalawang sundalo at Gold Cross Medal (GCM)sa tatlong sundalo na nagpakita ng katapangan at kagitingan sa paglaban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters-Karialan Faction (BIFF-KF).

Nabatid na ang mga pinarangalang sundalo ang nakapatay kay Mohiden Alimodin Animbang na isa sa mga pinakamataas na lider ng BIFF-KF at 11 iba pa sa Barangay Kitango, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur.

Una rito, binisita rin ni Pangulong Marcos ang mga sugatang sundalo sa Philippine Army at binigyan ng Special Financial Assistance.

AUTHOR PROFILE