Ayuda AYUDA TO THE MAX–Si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang nanguna sa Diskwento Caravan ng Kadiwa ng Pangulo sa Cuneta Astrodome. Mabibili sa Kadiwa ang mga murang bigas, prutas at gulay. Kuha ni Joseph Muego

Kadiwa opening sa Pasay dinaluhan ni Mayor Calixto

April 30, 2024 Edd Reyes 114 views

INILUNSAD ng Pasay City ang Kadiwa ng Pangulo: Diskuwento Caravan kasabay ng pamamahagi ng tulong pinansyal sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) noong Martes sa Pasay City Astrodome.

Pinangunahan nina Mayor Emi-Calixto Rubiano at Congressman Toni Calixto ang pagbubukas ng Kadiwa kung saan makakabili ng bigas sa P39 per kilo, gulay, prutas at iba pang pangunahing bilihin sa murang halaga.

Galing mismo sa mga magsasaka at mga gumagawa ng mga produkto ang mabibili sa Kadiwa.

Ayon kay Mayor Emi, mahigit 30 retailers, distributors, manufacturers at maliliit na negosyante ang lumakhok sa Kadiwa ng Pangulo: Diskwento Caravan na nagkaloob ng benepisyo ng mga murang paninda sa may 10,000 Pasayenos na dumagsa sa Astrodome.

“Maraming-marami pong salamat sa atin pong Pangulong Bongbong Marcos at sa iba pang sangay ng ating pamahalaan na nandidito at nagtutulungan para maihatid sa ating mga kababayan ang mga mura at mataas na kalidad ng mga bilihin,” pahayag ng alkalde.

Ayon sa alkalde, nagbagsak ang Department of Agriculture ng 2,000 sako ng bigas sa lokal na pamahalaan para matiyak na maraming Pasayenos ang makabibili ng napakamura at de-kalidad na bigas.

Bukod sa murang bilihin, aabot 5,000 katao mula sa mahihinang sektor, solo parents, senior citizens, persons with disabilities (PWDs), street sweepers at mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA) ang nakatanggap ng tulong pinansiyal na nagkakahalaga ng P2,000 sa ilalim ng AICS ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

AUTHOR PROFILE