BOC

BOC lumahok sa 6th Global Authorized Economic Operator (AEO) Conference sa China

May 17, 2024 People's Tonight 109 views

LUMAHOK ang Bureau of Customs (BOC) ng Pilipinas sa 6th Global Authorized Economic Operator (AEO) Conference na ginanap mula Mayo 8 hanggang 10 sa Shenzhen, China.

Tinipon sa naturang komperensya ang Customs administrations ng iba’t ibang bansa upang mapalakas at mapabilis ang pagpasok at paglabas ng kalakal sa iba’t ibang teritoryo.

Pinangunahan ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang delegasyon ng Pilipinas at nakasama nito sina Philippine Interim AEO Office Supervising Head, Atty. Vener S. Baquiran, and Deputy Commissioner ng Assessment and Operations Group; Mutual Recognition Arrangement Unit member, Atty. Yasmin O. Mapa, ang District Collector ng Port of NAIA; Atty. Wally Ann D. Yumul, at Ms. Denise A. Asantor, mga miyembro ng Post-Validation Unit.

Inimbita ang BOC upang magsalita kaugnay ng mga AEO Programmes matapos ang pandemya.

Iprenesinta ng BOC ang mga hamong kinaharap nito, ang mga bagong oportunidad at pagbabago sa mga polisiya upang maging angkop sa pamantayang ginagamit sa mundo.

Binigyang-diin ng BOC ang kahalagahan na mapalakas ang partnership at paglikha ng standard na pamantayan sa pagitan ng iba’t ibang Customs administration at mga micro-, small-, and medium-sized enterprises.

Pinag-usapan din sa pagtitipon ang mga data analytics at mga makabagong teknolohiya para mas maging epektibo ang pangangasiwa sa palitan ng kalakal at ang pagpapalawak ng Free Zones ng mga AEO AEO Programme.

Iginiit naman ni WCO Secretary General Ian Saunders ang kahalagahan ng AEO na nagpapakita ng pagkakaisa ng iba’t ibang Customs administration at pribadong sektor para sa mas epektibong operasyon ng mga ito.

Sa ilalim ng pamumuno ni Commissioner Rubio, nangako ang BOC na gagawa ng mga hakbang upang makasunod sa international standards at maging world-class ito.

AUTHOR PROFILE