Rita

Baby Uno, ibinandera ni Rita

September 19, 2022 Vinia Vivar 249 views

Lalaki ang first baby ni Rita Daniela na kasalukuyang ipinagbubuntis.

Nag-gender reveal na ang Kapuso actress sa kanyang latest Instagram post. In-upload niya ang larawan ng sonogram ng baby at sinabi na rin niya ang name nito.

“My boy you are an answered prayer. my JUAN ‘Uno’ Rafael,” ang caption ni Rita.

Mainit naman siyang binati ng mga netizen at celebrity friends niya at excited na rin sila sa paglabas ni Baby Uno.

Nasa ika-24th week or ikaanim na buwan ng pagbubuntis si Rita kay Baby Uno.

Non-showbiz ang ama ng bata at ayon nga sa aktres ay very private person ito kaya ayaw na niyang i-expose pa sa publiko ang identity nito.

‘HIDDEN FAN’

Inamin ni Gabby Eigenmann na “hidden fan” siya ni Bea Alonzo noon pa at dahil nga nasa Kapamilya network ito noon, hindi niya akalaing makakatrabaho ang aktres sa GMA-7.

Kasama si Gabby sa Pinoy adaptation ng hit Korean drama na Start-Up at ginagampanan niya ang papel na kontrabidang stepfather ng karakter nina Bea at Yasmien Kurdi.

Sa ginanap na red-carpet screening/mediacon para sa nasabing serye kamakailan ay ipinahayag ni Gabby kung gaano siya kasaya na makatrabaho si Bea at maging parte ng cast.

“Iba ‘yung feeling talaga and I’m so overwhelmed, I’m so happy, ecstatic, lahat. Kasi fan ako ni Bea and John Lloyd (Cruz). Hidden fan ako,” sey ni Gabby.

“Na-imagine ko na sana, maka-work ko rin si Bea,” dagdag niya.

Bilang for the longest time ay Kapuso nga si Gabby, ini-imagine na lang daw niya kung kailan niya makakatrabaho ang mga artista sa ibang istasyon.

“Unless tatawid ako or sila ‘yung tatawid. Eh, tumawid (si Bea),” sambit niya.

And he welcomed Bea with open arms at ipinaramdam niya ito sa aktres sa set.

Aniya pa, never siyang na-intimidate sa mga artista from other networks na lumilipat sa GMA at sa halip ay wini-welcome niya ang mga ito.

“We always welcome people coming in, we always welcome ‘yung mga bagung-bagong lipat mula sa kabilang istasyon. Because we want to learn, we want to experience how they… kumusta trabaho nila ro’n at maidala nila rito.

“Natutuwa kami kasi maliit lang ang mundo ng showbiz, eh. So, tapusin natin ang network war na ‘yan. And natutuwa ako dahil lumalaki’t lumalaki, and we’re given the opportunity to work with each other,” he said.

Samantala, magkakaroon na ng world premiere ang much-awaited Start-Up PH, na pinagbibidahan nina Bea at Alden Richards, sa Sept. 26 sa GMA Telebabad.

AUTHOR PROFILE