Nalunod

Baby nalunod sa b-day ni daddy

February 2, 2024 Jojo C. Magsombol 216 views

IMBES na happening dahil birthday niya, nagluluksa ang ama ng menor de edad sa Brgy. Subukin, San Juan, Batangas nang malunod sa swimming pool ang kanyang anak.

Bandang alas-8:15 ng gabi, isang tawag mula sa San Juan District Hospital ang natanggap ng mga pulis tungkol sa drowning incident.

Ayon sa ama ng nasawi, nagluluto siya ng pagkain para sa kanyang birthday celebration kaya hindi niya napansin na naglalaro sa harap ng bahay nila ang biktima.

Ilang sandali pa, hindi na niya nakita ang anak sa harap ng bahay.

Kaagad na hinanap ng ama ang anak at kalaunan nakita niya ang bata na nakalutang na sa swimming pool.

Iniahon niya ang walang malay na anak at isinugod sa ospital at doon na idineklara na wala ng buhay ang bata.

AUTHOR PROFILE