Knife

Lalaki binurdahan ng saksak, agaw-buhay

May 30, 2024 Jojo C. Magsombol 97 views

AGAW-buhay ang lalaki na binurdahan ng saksak kamakailan dahil sa away sa kalye sa Maharlika highway sa Brgy. San Miguel, Sto. Tomas City, Batangas, ayon sa report ng pulisya.

Base sa imbestigasyon, alas-7:00 ng umaga nang tumigil at bumaba ang biktima sa kanyang sasakyan at biglan ring huminto sa tabi sasakyan ng suspek.

Bumaba ang suspek sa kanyang sasakyan at kinompronta ang biktima at doon na nagsimula ang road rage na nauwi sa mainitang pagtatalo kaya nagresulta sa suntukan, ayon sa mga pulis.

Bumunot ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang biktima ng maraming beses na tinamaan sa dibdib at braso.

Tumakas ang suspek papunta sa San Pablo City dala ang patalim, ayon pa rin sa mga pulis.

Dinala ang biktima sa Tanauan Medical Center at doon nakikipagbuno kay kamatayan.

AUTHOR PROFILE