Rider Dead-on-the-spot ang babaeng rider matapos na mabanga sa fire truck sa Pedro Gil St., Sta. Ana, Manila. Kuha ni JONJON REYES

Babaeng rider nag-overtake sa truck ng bumbero, tigok

March 2, 2024 Jonjon Reyes 70 views

TODAS ang babaeng rider ng Food Panda ng sumalpok sa truck ng bumbero at nadamay ang pampasaherong jeep nang piliting mag-overtake sa Pedro Gil Extension at P. Carreon St., Sta. Ana, Maynila noong Huwebes

Kasabay ng pagkamatay ng biktimang si Kathlyn Dela Cruz ng Burgos St., Paco, Maynila ang matinding trapik sa lugar.

Iniimbestigahan ng Manila Traffic Bureau ang sangkot na driver ng fire truck na si Joey, 36, at jeepney driver na si Alfredo, 56, ng Mendez, Cavite.

Batay sa ulat ni Police Master Sergeant Maximil Yabut, desk officer ng Manila Police District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) bandang alas-6:56 ng gabi ng i-report sa kanila ang trahedya.

Ayon sa report, habang tinatahak ng truck ng bumbero ang Pedro Gil biglang nag-overtake umano ang rider.

AUTHOR PROFILE