Knife

PROSTI TINANGGIHAN, NANAKSAK!

March 2, 2024 Edd Reyes 76 views

KINADYOT ng patalim sa leeg ang senglot na kelot nang tumanggi sa alok na sex ng bebot na pokpok Sabado ng madaling araw sa Malabon City.

Nasa maayos ng kalagayan sa pinaglipatang pagamutan sa Tondo Medical Center ang 50-anyos na biktima na taga Barangay Hulong Duhat mula sa unang pinagdalhan sa kanya sa Ospital ng Malabon.

Isinugod ito sa ospital matapos kadyutin ng patalim sa leeg ng hindi pa kilalang lalaki dakong alas-1:50 ng madaling araw.

Batay sa imbestigasyon nina P/SSg. Michael Oben at P/SSg. Bengie Nalogoc ng Malabon Police Station Investigation Unit, naglalakad ng pauwi mula sa pakikipag-inuman ang biktima sa may Bgy. Hulong Duhat nang lapitan siya ng isang babaeng bugaw at kasamang pokpok pagsapit sa tapat ng isang bantog na botika.

Inalok ng babaeng bugaw ang biktima na makipag-sex sa kasama niyang bebot subalit tahasang tumanggi ang biktima na ikinairita ng dalawa.

Ilang sandali lang ay lumapit ang hindi pa kilalang lalaki na armado ng patalim at kaagad na kinadyot sa leeg si Arenas bago mabilis na sumakay sa kanyang bisikleta at tumakas patungo sa hindi nabatid na lugar.

Ilang mga tambay sa lugar ang nagmalasakit na nagdala sa biktima sa Ospital ng Malabon.

Nagsagawa naman kaagad ng follow-up operation ang mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station-7 nang makarating sa kanilang tanggapan ang insidente, subalit bigo silang madakip ang suspek, pati na ang bugaw at kasamang bebot.

Ayon kay P/Capt. Richell Sinel, station duty officer, nirerebisa na nina Nalogoc at Oben ang kuha ng mga nakakabit na CCTV sa lugar na pinangyarihan ng insidente na magbibigay-daan upang makilala ang suspek at kasabuwat na bugaw at pokpok.

AUTHOR PROFILE