Default Thumbnail

Antipolo LGU pinadali ang proseso para sa business permits

January 13, 2023 People's Tonight 2789 views

MULING pinaalalahanan ng Antipolo City Local Government Unit (LGU) ang mga business establishments na pinadali na ang proseso sa pagrerenew o pagkuha ng business permit.

Ayon Kay Antipolo City Mayor Jun Ynares, sa “BOSS” (Business One Stop Shop), ay maaring mag-apply online para sa bagong business permit, at puwede pa rin na mag-renew online ng mga existing o lumang business permits.

Sinabi ni Mayor Jun na sa online transactions, maaari lamang na bisitahin ang link: https://antipoloonline.egapsonline.com para doon na mag-upload ng mga scanned copies para sa itinuturing na basic requirements na kinakailangan.

Kabilang na dito ang Unified Application Form (online application); DTI Business Name Registration/SEC Registration; Barangay Business Clearance (na kukuhanin kasabay ng online application); TCT o Tax Declaration/Contract of Lease (kung umuupa); Community Tax Certificate (Cedula)/Corporate Tax Certificate; at Financial Documents.

Ang iba pang mga requirements ay bibigyan ng approval ng mga regulatory offices kasabay ng pagpoproseso ng online registration: Office of the Building Official (OBO) Clearance; Locational/Zoning Clearance (ZAO); Environmental Permit to Operate (CEWMO); Sanitary Permit to Operate (CHO); Occupational Permit (PESO); Fire Safety Inspection Certificate (BFP); at iba pang mga National Government Agency Clearances kung kinakailangan para sa business na ina-apply.

Sa paraan naman na pagbabayad, ang unang pamamaraan ay online kung saan maaaring buksan ang account at i-click ang “Process to Payment”.

Dito ay piliin lang kung “PayMaya e-wallet” (Maya o GCash) o ang PayMaya/VISA / Mastercard/JBC at maaari din na magbayad sa City Treasurer’s Office.

“Siguraduhin munang nai-click ang payment option na ‘Pay-over-the-counter’ sa inyong online account,” sabi ni Mayor Jun.

Maaaring ipakita lang sa tanggapan ng treasury ang statement of account (SOA), sa Window 9/10 at kunin ang official receipt.

Paalala naman ng Antipolo LGU, hindi maaaring mag-renew ng business permit via online applications ang mga sumusunod at kailangan na personal na magsadya sa tanggapan ng Business Permits and Licensing Office (BPLO) upang maisaayos ang inyong mga dokumento sa pagpapa-renew ng business permit.

Kabilang na diyan ang may outstanding balance; kailangang mag-retiro (closure) na businesses; mga na-issuehan ng notice of violation; mga businesses na hindi nakapag-renew mula 2015 pababa; at mga may nais na ipabago sa mga detalye ng negosyo.

“Sa mga hindi naman techy na ating mga kababayan, worry no more dahil ready to assist naman ang ating eBOSS Online Assistance Area,” sabi ni Mayor Jun.

Maaari itong matagpuan sa ground floor ng Antipolo City Hall Main Building at 2/F, Old Cinema, Robinsons Place Antipolo (Main Building).

Meron din na satellite eBOSS Help Desk sa 2nd floor ng Robinsons Place Antipolo at 3rd floor ng SM Cherry kung saan puwede sila magpa-assist.

“Para naman maiwasan ang pagdagsa at pagsisiksikan ng ating mga aplikante sa City Hall, maaari po tayong magpa-schedule ng inyong pagpunta sa ating tanggapan sa ating online booking sa link na ito: https://bit.ly/e-BOSS-OnlineBooking,” dagdag ni mayor Jun.

Para sa iba pang katanungan, maaring matawag ang Business Permits and Licensing Office (BPLO) sa mga sumusunod na numero: 8689-4535; 8689-4586; 86894500 local 4602 or 4610.

Meron din itong Facebook Page para sa BPLO concerns: https://www.facebook.com/bploantipolocity

“Patuloy ang ating pag-innovate at pag-develop ng mga pamamaraan upang mas maginhawa ang inyong mga proseso sa City Hall. Inaanyayahan ang lahat na gamitin at pakinabangan ang hakbang na ito para one-click-away na lang ang lahat. Sama-sama tayo, Antipolo,” sabi ni Mayor Jun.

Patuloy naman na hinihikayat ni Mayor Jun ang mga investors sa Siyudad ng Antipolo sa Lalawigan ng Rizal, para doon magtayo ng mga business.

Bukod sa suporta ng lokal na pamahalaan ay maayos, payapa at ligtas ang lugar sa anumang itatayo na business.

AUTHOR PROFILE