Anne Larawan mula sa IG/@annecurtissmith

Anne maingat sa pag-post kay Dahlia

December 6, 2023 People's Tonight 105 views

HILING ng TV host-actress na si Anne Curtis sa publiko ay unawain nila ang kanyang anak na si Dahlia kung hindi man nito nais magpakuha ng larawan sa kanila.

Sa kanyang Instagram broadcast channel, nag-iwan ng mensahe ang ‘It’s Showtime’ host patungkol sa kung paanong pag-iingat ang ginagawa nila ng kanyang asawa na si Erwan Heussaff para hindi i-post palagi ang kanilang anak sa social media.

“We make a conscious effort not to post her all the time. I know you guys understand why,” sey ni Anne.

“And for those who happen to bump into us in public places and ask for photos with her l always ask you to ask her first. If she says ‘no’ I hope you understand. Walang pilitan. Syempre,” saad pa niya.

Nilinaw naman ng TV host-actress na palagi sa kanyang pwede magpakuha ng litrato basta raw ay hindi niya inaasikaso ang anak.

Paliwanag pa niya na ang pagiging ina kay Dahlia ang kanyang prayoridad.

“But if it’s me l always say yes naman! Basta Hindi ako in the middle of a literal na ‘mothering’ moment. Because at the end of the day yun na po top priority ko,” wika ni Anne.

AUTHOR PROFILE