Andrea Larawan mula sa IG/@belle_brillantes

Ina ni Andrea pinalagan basher

December 6, 2023 People's Tonight 186 views

PINALAGAN ng nanay ng aktres na si Andrea Brillantes na si Belle ang isang netizen matapos nitong kwestyunin ang pagiging magulang sa aktres.

Sa Instagram page ng ina ng aktres, nag-upload siya ng larawang may kinalaman sa kanyang naging achievement sa freediving.

Sa caption ng nasabing post, tila may patutsada si Belle sa hate na natatanggap ni Andrea na idinadawit bilang third party sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

“So much hatred in the net these days. We turned into bunch of savages. Spread all that hate and lies, these negativity will not break my spirit. I am thankful for being alive, my kids and my mom being healthy. I’m surrounded by people with so much love and compassion. Hate is baggage, life is too short to be angry all the time. I may not be getting the numbers that im aiming but i shall compete again tomorrow, i will finish this competition, bahala kayo dyan lahat magkagulo,” sey ng ina ng aktres sa caption ng kanyang post.

Isang netizen naman ang nagkomento sa post ni Belle ukol sa pagpapalaki niya sa kanyang anak.

“Papano mo kaya pinalaki si [A]ndrea no?” wika ng netizen.

“Paano? Napagtapos nya sa school mga kapatid nya, nakapag pagawa ng bahay, may sariling negosyo, ikaw anong ambag mo sa mundo?” sagot naman ng ina ni Andrea.

AUTHOR PROFILE