Angelica

Angelica at Gregg biktima ng fake accounts

October 17, 2022 Aster Amoyo 803 views

IPINAALAM ng engaged couple na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan sa lahat na may nag-create ng FAKE ACCOUNTS na The Homans sa Facebook, Telegram at iba pang social media platform using their names, photos at iba pang information kaya marami ang naniniwala na sila `yon. Ang siste, ginagamit ang mga fake account for them to solicit money from people.

Sa latest vlog ng couple, they wanted to make it clear that they (Angelica and Gregg) are not soliciting and asking for money at hindi umano nila gagawin `yun. Humihingi rin sila ng tulong from others to take down the FAKE ACCOUNTS para maiwasan na makapambitima sa ibang tao at their expense. Ito rin ang reason kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin ipinapakita ng dalawa ang mukha ng kanilang baby dahil tiyak na gagamitin lamang ito doon sa kanilang mga FAKE ACCOUNTS.

Samantala, hands-on parents sina Angelica at Gregg sa kanilang almost two months old baby na si Baby Bean (Amila Sabine) na isinilang nung nakaraang September 20, 2022. Wala silang kinuhang yaya dahil silang dalawa ang nag-aalaga sa kanilang baby.

Ini-enjoy din ng actress ang kanyang pagiging first time mom.

The Kapamilya actress is breastfeeding her baby since birth.

Inaabangan naman ng marami lung kelan at saan magaganap ang wedding ng dalawa na malamng mangyari sa isang taon.

Daniel

Sofia at Daniel nagpapagawa ng bagong bahay

SA darating na November 24, 2022 ay magta-tatlong taong gulang na ang first baby ng actress na si Sofia Andres and her race car driver partner na si Daniel Miranda (mula sa mayamang pamilya from Cebu). Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin pinag-usapan ng dalawa ang planong pagpapakasal. Ang priority ng dalawa ay ang pagpapalaki sa kanilang anak na si Zoe.

Samantala, kamakailan lamang ay nakita sina Sofia at Daniel kasama ang kanilang anak na si Zoe sa ground-breaking ng kanilang second home sa Lipa, Batangas.

After their daughter’s 3rd birthday on November 24 ay susunod namang magbi-birthday si Daniel on December 27 and he’s turning 27 while Sofia just turned 24 last August 24.

CJ

The Beer Factory owner self-made man

SELF-MADE na maituturing ang successful young businessman na si CJ Quinzon na nagsimula bilang call center agent who entered into trading business kung saan siya sinuwerte.

Only in his 20’s, the young businessman just opened his first branch of The Beer Factory located at the Eton Centris in Quezon City.

Kahit kabubukas pa lamang ng unang branch ng The Beer Factory in Quezon City, two months later in December ay bubuksan naman ang second branch in Makati at naka-plano na rin ang ikatlong branch on March 2023 sa Molino, Alabang.

Sobrang nakaka-impress ang success story ni CJ na sa batang edad ay nagsisimula nang makabuo ng sarili niyang business empire.

The Beer Factory in Eton Centris had a successful opening launch last Saturday evening, October 15 na talagang dinagsa ng napakaraming tao. Ang mga guest performers ay pinangunahan ng singer-actor na si Kean Cipriano.

Marissa

Marissa masaya sa panlabas may lungkot sa loob

POPULAR singer, actress-comedienne and host Marissa Sanchez admits that she did not enjoy her childhood merely because she was already a breadwinner ng pamilya dahil single mom ang kanyang ina Being the eldest among her younger siblings, maaga siyang na-expose sa trabaho and it was her late mom who pushed her into singing.

The late Tito Pepe Pimentel, longtime host of “Kuwarta o Kahon” gave her a break sa programa and it was the late Rico J. Puno who encouraged her na haluan ng comedy ang kanyang pagkanta and make use of her being mataba na siya naman sinunod ni Marissa at nag-click. Before she knew it ay in-demand na siya sa iba’t ibang TV shows, music lounges at maging sa pelikula.

Ang panggagaya naman niya sa iba’t personalidad was inspired by the veteran singer-comedian-performer na si Willie Nepumuceno. Ang kaibahan lamang ay impromptu niya itong ginagawa at wala siyang props na kailangan.

Ang iba’t ibang kilalang personalities na ginagaya ni Marissa include megastar Sharon Cuneta, Broadway Diva Lea Salonga, Divine Diva Zsa Zsa Padilla, singer-actress Jessa Zaragoza and Manilyn Reynes at iba pa.

Unknown to many, kahit masayahin at palabiro ang panlabas na anyo ni Marissa, she is a loner, introvert and homebody. When she’s not busy with her showbiz commitments, she just stays home to be with her 11-year-old daughter.

A multi-faceted talent, Marissa credits her late mom kung anuman ang kanyang narating ngayon.

“Noon kasi hindi ko naintindihan kung bakit ako pinilit ng mom ko na kumanta,” paglalahad niya.

“Yun pala, iyon ang makakatulong sa akin at sa pamilya namin na makaahon sa kahirapan,” patuloy niya.

Kung nabubuhay pa ang kanyang ina, gustong mag-sorry ni Marissa dahil hindi umano niya ito naunawaan before as things were not explained to her properly ng ina. Nagtanim umano siya ng sama ng loob dito hanggang sa kanyang paglaki na hindi pala niya dapat ginawa.

Ayaw nang pag-usapan pa ng singer, actress-comedienne at host ang kanyang failed marriage dahil gusto na umano niya itong ibaon sa limot. Mas gusto na lamang ni Marissa na mag-focus sa kanyang trabaho at pagiging single mom to her almost teen-age daughter.

“My daughter and I are the best of friends. Ayokong maranasan niya ang mapapait kong karanasahan when I was her age kaya ginagawa ko ang lahat para sa kanya,” pahayag pa niya.

Kahit nakakaranas din siya ng pain and frustrations, isang masayang Marissa ang parating nakikita sa kanya ng publiko kaya naniniwala siya sa kasabihang `May dalawang mukha ang showbiz”.

Although nagsimula siya bilang singer, mas fulfilling umano sa kanya ang acting. But she’s glad that she can do both including hosting.

Marissa is now working of her first book na balak niyang ilabas soon.

“I’m just waiting for a publisher to publish my book and the right time to release it,” aniya.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and ‘INSIDE SHOWBIZ” with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE