Kim

Kim, may sarili nang leather bag line

October 17, 2022 Ian F. Fariñas 406 views

Isa na ring businesswoman si Kim Chiu. Inanunsyo niya sa kanyang Instagram account ang kanyang first venture na House of Little Bunny Phillipines na isang leather bag line.

Ayon kay Kim sa kanyang post, sa wakas ay natupad na rin ang kanyang dream na magkaroon ng sariling negosyo.

“Finally hopped my way into the world of entrepreneurship! What started as a dream of having my own business venture has finally come into life. Months of planning, years of pushing myself, and now it is HOPpening,” saad ni Kim.

Mahilig daw siya sa mga bag kaya ito ang naisip niyang gawing negosyo.

“My love for handbags is endless, and now I can finally share these bags that I have loved since the first time I saw them — they’re the perfect arm candies made of genuine leather, and comes with the perfect gold hardware.?

“HOUSE OF LITTLEBUNNY PHILIPPINES will be having its soft launch this Sunday, October 16 at 10:16AM. For more updates, please follow our official Instagram and Facebook accounts @houseoflittlebunny.ph,” aniya.

Ayon pa sa aktres, ngayon ay mayroon na siyang matatawag na kanya.

“I am beyond excited now that I have something I can call my own. Your support will be greatly appreciated as I hop my way into the #HouseOfLittleBunnyPH,” pagmamalaki ni Kim.

Dumagsa naman ang pagbati sa aktres mula sa mga kasamahang artista tulad ni Iza Calzado, best friend na si Bela Padilla, Janine Gutierrez, Cherry Pie Picache at Bianca Gonzalez, among others.

FRESH TEAM-UP

Inaabangan na ng fans ni Kate Valdez ang bago niyang serye na Unica Hija.

Ipinakita na nga ang teaser nito at marami ang pumuri sa kakaibang konsepto nito na tungkol sa human cloning.

Bukod dito, fresh team-up din ang mapapanood sa serye dahil first time makakapareha ni Kate si Kelvin Miranda.

Sa serye ay produkto ng human cloning si Kate na first time rin niyang gagampanan kaya naman excited and at the same time ay kinakabahan daw siya.

“Nakakanerbyos po pero mas nangingibabaw ‘yung saya ko dahil pinagkatiwalaan po ako ng ng mother network ko, ng GMA, para sa project na ito,” ang pahayag ni Kate sa isang panayam.

Mapapanood na ngayong Nobyembre ang Unica Hija at kasama rin dito sina Katrina Halili, Mark Herras, Faith da Silva, Athena Madrid, Boboy Garovillo at Alfred Vargas in a very special role.

AUTHOR PROFILE