posas

Anak n’yo bantayan n’yo–QCPD

February 13, 2024 Melnie Ragasa-limena 146 views

NAGPAALALA ang pulisya sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak at paalalahanan na huwag sumama sa hindi nila kakilala.

Kasunod ang paalaala ng pagsasamantala ng 47-anyos na lalaki sa dalawang dalagita sa condo unit sa Quezon City noong Lunes.

Nakilala ang suspek na si alyas Jesse nakatira sa Unit 234 Tower 6 Trees Residences, Brgy. Pasong Putik, Quezon City.

Inireklamo ang suspek nina Marie, 13, at Mae, 13, parehong Grade 6 ng Brgy. 177, Caloocan City.

Sa report ng Pasong Putik Proper Police Station 16 ng Quezon City Police District (QCPD), bandang alas-11:30 ng gabi nang madakip ang suspek sa loob ng kanyang condo unit.

Sa imbestigasyon ni PSSg Claire Lago, inimbitahan ng suspek ang mga biktima sa loob ng kanyang condo noong Peb. 8, 2024.

Naisama umano ng suspek ang mga biktima sa condo unit niya matapos alukin ng P200 at libreng pagkain. Matapos sumama sa kanya, pinagsamantalahan na ang dalawang bebot.

Paulit-ulit na nangyari ang pananamantala hanggang Peb. 12 hanggang sa malaman ng ina ni Mary Joy. Nagsumbong sa pulisya ang ina kayanagresulta sa pagkakadakip ng suspek.

Nahaharap sa mga kasong paglabag sa RA 10364 (Expanded Anti-Trafficking in Person Act of 2012), RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) at RA 11648 (An Act promoting for Stronger Protection Against Rape and Sexual Exploitation and Abuse, Increasing the Age for Determining the Commission of Statutory Rape, amending for the Purpose Act no 3815 ang suspek.