Kulong

Suspek sa frustrated homicide swak sa rehas

February 13, 2024 Jonjon Reyes 110 views

SWAK sa rehas ang suspek sa frustrated homicide na natiklo sa Gate 2, Parola Compound sa Tondo, Maynila noong Lunes ng gabi.

Sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Ness Vargas, commander ng Manila Police District-Delpan Police Station 12, bandang alas-10:45 ng gabi tinimbog si John Paul Basagas, 29.

Si Police Captain Genesis Aliling ang nagbigay ng impormasyon sa pulisya sa kinaroroonan ng suspek.

Tinimbog ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Cirile Maduro Foja, presiding judge ng Regional Trial Court Branch 6 ng Maynila.

May itinakdang piyansa na P72,000 para sa temporary liberty ng suspek.

AUTHOR PROFILE