Aljur

Aljur nanghihinayang kay Kris

November 20, 2022 Aster Amoyo 381 views

Aljur1

IN our recent interview with singer-actor Aljur Abrenica, tinanong namin ito kung naging sila ba ni Kris Bernal nung siya’y nasa bakuran pa ng GMA?

“Hindi naging kami,” diin ng actor.

“Ang totoo niyan, niligawan ko talaga siya (Kris) noon pero nabasted ako,” pag-amin pa ni Aljur.

“Nung time na gusto na niya ako, me iba na akong girlfriend kaya pareho kaming nasaktan,” aniya.

“Pero ang maganda sa amin ni Kris, we became close friends. Nagkakasabihan kami ng mga personal na bagay and there were even times na sinasabi niya sa akin ang mga nanliligaw sa kanya at ako ang nagi-screen for her,” kuwento pa ng singer-actor.

Pero lately ay bihira na umano silang magkita at mag-usap ni Kris magmula nang ito’y mag-asawa at gayundin din siya. Pero ang mahalaga ay espesyal umano sila sa isa’t isa kahit may sarili na silang mga buhay ngayon.

Parehong nanggaling sina Aljur at Kris sa 4th season ng talent search ng GMA, ang “Starstruck” nung 2006-2007 pero ang unang ka-loveteam ni Kris ay hindi si Aljur kundi si Mart Escudero dahil sina Kris at Mart ang tinanghal na Ultimate Loveteam. Apat na taon naman tumagal ang love-team nina Aljur at Kris sa Kapuso network.

“Dapat hindi muna kami pinaghiwalay bilang magka-loveteam,” may tonong panghihinayang na tinuran ni Aljur.

EmpoyEmpoy1Empoy2

Follow up project ng Alempoy malapit nang mapanood

IT was December 2020 when it was announced na magkakaroon ng follow-up project ang AlEmpoy tandem nina Alessandra de Rossi at Empoy Marquez sa pamamagitan ng “Walang Ka Paris” pero dahil sa pandemic ay nagkaroon ito ng delay. Ito’y mula pa rin sa panulat at direksiyon ni Sigrid Andrea Bernardo na siya ring nasa likod ng hit movie ng dalawa, ang “Kita Kita” jointly produced ng Viva Films at Spring Films nina Piolo Pascual, Direk Joyce Bernal, Erickson Raymundo at Erwin Blanco. The movie was a surprise hit at kumita sa takilya ng mahigit P300-M.

Tiyak na matutuwa ang mga supporters nina Alex at Empoy dahil playdate na lamang ang hinihintay para maipalabas sa mga sinehan ang balik-tambalan ng dalawa na kung hindi kami nagkakamali ay sa Paris, France pa kinunan ang pelikula.

Since then ay nag-evolve na rin si Alex hindi lamang bilang isang mahusay na actress kundi bilang isang writer at director na rin na kanyang sinimulan sa hit movie na “My Amanda” na pinagtambalan nila ni Piolo Pascual and co-produced ng Spring Films at AWOO Film Production. Nominated din si Alex as best actress for ‘My Amanda’ sa 5th Eddys Awards on November 27 sa Metropolitan Theater.

Dahil sa malaking tagumpay ng tambalan nina Alex at Empoy, much-delayed ang follow-up project ng dalawa.

Ang tanong ng marami, ma-duplicate kaya ng “Walang Ka Paris” ang kinita ng “Kita Kita” movie in 2017?

Chitochito1Chito2

Chito at Neri sobrang blessed

BUKAS ang mag-asawang Chito Miranda at Neri Naig sa kanilang adopted daughter na si Pia sa kabila ng pagkakaroon nila ng dalawang biological children na sina Miggy at Cash.

The celebrity couple admits na God-sent si Pia sa kanilang mag-asawa at sila ang itinakdang maging parents ng kanilang adopted daughter.

The Parokya ni Edgar frontman and former actress-entrepreneur are blessed not only ng kanilang tatlong anak kundi sa kanilang iba’t ibang mga negosyo na sinimulan lahat ni Neri.

This early ay kinakikitaan na si Miggy ng music talent na kanyang minana sa kanyang amang si Chito.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE