Angel

Angel at Neil, ‘di apektado ng hiwalayan issue

November 19, 2022 Vinia Vivar 421 views

Nagbigay na ng pahayag si Neil Arce tungkol sa kumakalat na fake news na hiwalay na sila ni Angel Locsin.

Sa statement na pinadala ni Neil kay Ogie Diaz, obvious na hindi sila apektado ni Angel sa mga tsismis na hiwalay na sila.

“Me and my wife are charitable people. Donation na po namin sa Fake News peddlers ‘yang kikitain nila sa pagpapakalat ng fake News. Besides deserve naman ng followers and subscribers nila makarinig ng kasinungalingan,” ani Neil.

Nagkaroon ng ispekulasyong hiwalay na ang mag-asawa dahil matagal nang hindi nakikita si Angel ng followers sa Insrtagram.

Ang huling post niya ay last August 1 pa.

Matagal na rin silang walang bagong vlog sa kanilang YouTube channel. Their last uploaded video was three months ago.

Kaya naman dahil dito ay sari-sari na ang lumabas na balita, mostly vlogs na nagsasaad na hiwalay na sila at nadamay pa si Maxene Magalona.

Ayon sa balita ng ilang vloggers, nabuntis umano ni Neil ang ex-GF na si Maxene.

Sey ni Ogie, kawawa naman si Maxene na dinamay-damay pa.

Sinigurado rin ng vlogger/talent manager na hindi talaga hiwalay sina Angel at Neil base sa kanyang nalalaman.

“Sila pa rin po. Very very much together pa rin sila. Ako na po ang nagsasabi,” aniya pa.

AUTHOR PROFILE