Miel

Pang-iintriga sa pagkatao, sinagot ni Miel

April 25, 2024 Vinia Vivar 57 views

Pabiro pero maayos na sinagot ni Miel Pangilinan ang komento ng isang netizen tungkol sa matagal nang intriga sa kanyang pagkatao.

Sa kanyang TikTok account ay nag-post kasi si Miel ng pasasalamat sa kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Atty. Kiko Pangilinan.

“Thank u for creating me. I’m forever thankful for the support I get from the both of you, I am who I am because of you. I love you both forever and ever,” Miel wrote accompanied by an old photo of her parents.

Umani ng positibong komento ang naturang post pero may isang netizen pa rin na nag-comment ng negatibo.

“Anak daw yan ni rico Blanco,” komento ng netizen.

Sinagot naman ito ni Miel ng “hindi daw sabi niya.”

Naaliw ang netizens sa sagot ni Miel at ang iba naman ay ipinagtanggol ang dalaga.

“Kmukha ng mommy nya pno naging anak ni rico😂un ate nya si frankie sa daddy nman. lalo nung bta to hawig tlaga ng mommy nya,” pagtatanggol ng isang netizen.

“Hindi, kasi napanood ko noon kakapanganak ni mega, tinatawag nila si meil na peanut,” sey naman ng isa pa.

“Yea. people’s chismis. wala namang evidence,” anang isa pa.

Well noon pa iniintriga si Miel na anak diumano ni KC Concepcion sa ex-boyfriend nitong singer na si Rico Blanco. Pinagtatawanan na lang ito ng ibang tao dahil sa pagka-ridiculous ng kwento. Ilang beses na rin na-address ni Sharon ang isyung ito at natatawa na lang sila tungkol dito.

AUTHOR PROFILE