Angeline

Angeline at non-showbiz partner, ikinasal

April 25, 2024 Vinia Vivar 55 views

Ikinasal na kahapon si Angeline Quinto sa non-showbiz partner na si Nonrev Daquina.

The couple tied the knot in Quiapo Church or Minor Basilica and National Shrine of Jesus Nazarene.

Ipinost ng ABS-CBN News sa Facebook ang ilang larawan na kuha sa church wedding.

Sa isang larawan ay makikitang naglalakad si Angeline patungo sa altar suot ang eleganteng wedding gown. Makikita rin na present ang ilang celebrities tulad ni Vice Ganda, Man of Honor, Sarah Geronimo, flower girl, at Erik Santos, ring bearer.

As we all know, matagal nang deboto si Angeline ng Itim na Nazareno sa Quiapo at dream wedding niya na ikasal sa Quiapo Church. May malaking bahagi raw sa buhay nila ni Nonrev ang naturang simbahan.

Sa Manila Hotel naman ginanap ang wedding reception.

Taong 2020 nagkakilala sina Angeline at Nonrev at nauwi nga sa isang relasyon ang pagkakakilalang ito. Mayroon na silang isang anak, si Sylvio, na magdiriwang ng second birthday bukas, April 27.

May tsika ring buntis si Angeline sa second baby nila pero wala pa silang pahayag tungkol dito.

AUTHOR PROFILE