Default Thumbnail

Inton iginiit PEATC dapat mangasiwa sa Cavitex

May 5, 2024 Zaida I. Delos Reyes 112 views

ANG Public Estate Authority Tollway Corporation ( PEATC) at hindi ang Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC) ang dapat na may kontrol sa pangangasiwa ng Manila-Cavite Expressway o Cavitex.

Ito ang iginiit ni PEATC spokesperson Atty. Ariel Inton bilang tugon sa mainit na usapin sa pagitan ng PEATC at Cavitex Infrastructure Corporation (CIC).

Aniya, ilang beses na ring kwinestiyon ng Commission on Audit (COA) kung bakit nasa kontrol ng MPTC ang CAVITEX sa halip na sa PEATC.

Sa audit observation report ng COA noong 2018, tinanong nito ang state owned company kung bakit wala itong hiwalay na transaction record mula sa Cavitex infrastructure Corporation (CIC) para sa kanilang operations at maintenance agreement.

Paliwanag ni Inton, bago pa man lagdaan ang joint venture sa pagitan ng gobyerno at CIC noong 2006 ay mayroon ng sariling record of revenues and expenses ang PEATC.

Gayunman, dahil sa revenue sharing partnership, ang tanging nakukuha lamang umano ng PEATC ay remittances mula sa toll collection at wala itong record ng disbursement.

Ani Inton, sa inilabas na pananaw ng COA, maliwanag na ang PEATC ang may mandato sa pangangasiwa at pangungolekta mg tollways at fees kaya nakakapagtaka aniyang pinapalagan ng CIC na pangasiwaan ng PEATC ang toll operations at fees.

Kinontra din ni Inton ang pahayag ng MPTC at CIC na hindi pa bayad ang gobyerno sa kanilang investment.