Default Thumbnail

2 tiklo sa syndicated estafa, droga sa San Jose

May 5, 2024 Steve A. Gosuico 69 views

SAN JOSE CITY–Tiklo ang 56-anyos na negosyante dahil sa syndicated estafa sa manhunt ng mga pulis noong Sabado sa syudad na ito.

Sinabi ni Nueva Ecija police director Colonel Richard Caballero na natiklo sa Brgy. Ang Sto. Niño 1st ang suspek bandang alas-6:30 ng gabi.

Nahuli ang suspek dahil sa arrest warrant na ipinalabas ng Malolos City, Bulacan Regional Trial Court Branch 21.

Walang piyansang inirekomenda para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.

Samantala, arestado ang isang 27-anyos na truck driver sa buy bust ng mga undercover na pulis sa Brgy. Abar 1st, dakong alas-10:10 ng gabi noong Sabado.

Nakuha sa suspek ang 0.18 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1,224.

AUTHOR PROFILE