Loisa

Loisa at Ronnie naghahanda na para sa kanilang future family

May 5, 2024 Aster Amoyo 55 views

NAKA-FOCUS sa kanilang future family sina Ronnie Alonte and Loisa Andalio. Importante raw yung “developing goals” nila bilang couple.

“Dapat naggro-grow kayo together. Sinusuportahan niyo ‘yung isa’t isa sa pangarap niya. Hayaan mo siyang lumipad at ikaw din. Huwag niyong ikukulong ‘yung isa’t isa. Partnership talaga,” ayon kay Loisa.

Sa November ng taong ito, mag-celebrate sila ng kanilang 8th anniversary. The real-life sweethearts first met on the set of “It’s Showtime.”

Ayon kay Ronnie: “Sa totoo lang, ilang beses ko na siyang sinasabi, respeto sa desisyon niyo sa isa’t isa. Bukod dun, ay ‘yung plano niyo sa buhay, ano ‘yung future niyo. Kasi once na pinag-uusapan niyo ang future, dun mo makikitang seryoso ‘yung partner mo. Hindi ‘yung masaya lang sa ngayon. Dapat may plano sa negosyo, sa future niyo, sa bahay, sa kasal.”

Dagdag naman ni Loisa: “Kung hindi niyo pinag-uusapan ‘yung mga bagay na para sa future, wala, siguro, maghihiwalay din kayo. Dapat hindi nila iniisip na ang relasyon ay laging masaya. Walang perfect na relasyon. Totoo ‘yung sinabi ni Ronnie na dapat hindi lang kayo sweet-sweetan ngayon. Dapat nagplaplano rin kayo ng future kung gusto niyo talaga na kayo ang magkatuluyan. Kami ngayon puro plano. Para sa ikaka-grow ng relationship namin, lahat talaga pinapasok namin.”

Gerald suportado ang JoshLia comeback

SUSUPORTAHAN ni Gerald Anderson ang comeback movie project ng kanyang girlfriend na si Julia Barretto and her ex-boyfriend na si Joshua Garcia.

“It’s exciting para sa mga fans nila, siyempre ‘di ba? I’m not sure ilang years ago sila huling nagkasama. But I’d been in that situation. Alam ko na marami silang mapapasaya na fans nila. They are both great actors, so alam natin na magiging quality ‘yung ilalabas nilang proyekto,” sey ni Gerald.

Last week, in-announce na magkakabalikan ang JoshLia loveteam after three years, sa project na “Un/happy For You” under Star Cinema and VIVA Films.

Directed by Petersen Vargas and written by Kookai Labayen, Crystal San Miguel, and Jen Chuaunsu, “Un/happy For You” will be be released later this year.

Huling nagsama ang JoshLia sa 2020 zombie film na ‘Block Z.’

Ang dream cast Direk Bobot para sa dream project

PINANGALANAN ng batikang actor-director na si Edgar “Bobot” Mortiz ang mga komedyanteng gusto niyang makasama sa kaniyang dream comedy project.

“Syempre ‘yung mga sigurado ko na, of course dito, si Michael V ‘di ba? Tapos si Bossing (Vic Sotto). Sa kabila naman, nandyan sina Vice Ganda at Vhong Navarro.”

Matatandaan na nabanggit na rin nina Michael V at Vice ang kanilang dream collaboration nang magkita sila sa GMA Gala 2023.

Samantala, balik-recording na rin si Direk Bobot sa kanyang album na pinamagatan niyang “Goin’ Standard.” Laman ng nasabing album ang kanyang classic songs. Mapapakinggan din ito sa lahat ng music streaming platforms.

AUTHOR PROFILE