Toni

Toni, ayaw sumawsaw sa isyung isnaban nina Alex, Heart at Dra. Belo

November 19, 2022 Vinia Vivar 340 views

Kung si Toni Gonzaga ang masusunod, gusto na niyang magkaroon ng baby no. 2 at masundan na ang panganay na anak nila ni Direk Paul Soriano na si Seve.

“Sana, next year. We’ll do our best,” sabi ni Toni sa mediacon for her upcoming 20th anniversary concert.

Six years old na nga naman si Seve kaya pwede na talagang sundan.

Natanong nga kung may hilig din ba sa showbiz si Seve at ayon kay Toni, wala pa siyang nakikitang senyales.

“Parang hindi niya alam itong ginagawa namin,” sey ng actress-singer.

Isa pang natanong sa kanya ay tungkol sa latest issue sa kapatid niyang si Alex Gonzaga at Heart Evangelista.

Pinagpistahan kasi sa showbiz ang naging pahayag nina Alex at Dra. Vicki Belo sa vlog ng huli na inisnab umano sila ni Heart sa Milan Fashion Week.

Pero pagkatapos ng ilang araw ay binawi nila ito at sinabing biro lang ang mga sinabi nila’t hindi sila nagkita ng Kapuso actress sa Milan.

Ayon kay Toni, ayaw niyang makialam sa isyu dahil nagbigay na ng statement sina Alex at Dra. Vicki.

“Hindi ba nagbigay na sila ng statement?” tanong niya. “Nagbigay na sila ng statement, huwag na ako. Quiet na lang ako,” dagdag niya.

Samantala, sobrang excited na si Toni sa kanyang 20th anniversary/birthday concert na I Am… Toni na gaganapin sa January 20, 2023 sa Araneta Coliseum.

Produced ito ng Godfather Productions ni Joed Serrano at co-producer ang ina niyang si Mommy Pinti.

AUTHOR PROFILE