Pimentel

9 bgy sa Marikina nakatanggap ng service vehicles kina Pimentel

April 25, 2024 People's Tonight 75 views

NAKATANGGAP ang siyam na barangay sa Marikina ng service vehicles na ipinamahagi ni Kat Pimentel at asawa nitong si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.

Ang mga barangay na nakatanggap ay mula sa District 1 na kinabibilangan ng Barangka, Calumpang, Industrial Valley Complex, Jesus de la Peña, Malanday, San Roque, Santa Elena, Santo Niño, at Tañong.

Ang seremonya ng pamamahagi ay dinaluhan ni Marikina Mayor Marcy Teodoro at Rep. Maan Teodoro, na lalong nagpapatibay sa pagtutulungan ng tambalang Pimentel-Teodoro.

“It is a privilege to support our barangays and provide them with the necessary resources to serve their constituents effectively. By donating these service vehicles, we aim to facilitate easier access to essential services and promote community development,” pahayag ni Kat Pimentel.

“Hangad natin na mas mapagsilbihan nila nang maayos at mabilis ang kanilang mga kababayan sa pamamagitan nitong mga sasakyan na ating ipinagkaloob katuwang ang Tanggapan nina Senator Koko Pimentel and Mayor Marcy and Cong. Maan Teodoro,” dagdag pa niya.

Pinasalamatan naman ng mga lider ng mga barangay ang mga Pimentel at Teodoro sa kanilang walang sawang pagsuporta at dedikasyon para maingat ang buhay ng mga residente ng lungsod ng Marikina. Ang mga donasyong service vehicle ay inaasahang makakatulong ng malaki sa operasyon ng mga barangay at pagtugon sa pangangailangan ng kani-kanilang mga komunidad.

“Mula po sa Barangay Tañong, maraming-maraming salamat po. Nangangako po kami na gagamitin namin ito sa tama at para sa taumbayan.” sabi ni Don Kristofer Kyle Reyes, Barangay Tañong Sangguniang Kabataan chairman.

“Pangarap po namin iyan. Dapat bibili kami niyan, wala kaming pambili kaya maraming salamat po,” ayon naman kay Barangay Sta. Elena chairman, Bernard C. Bernardo.

Sinabi naman ni Barangay San Roque Councilor Wilbert Juanson, na ang tulong na ito ay napakahalagang kontribusyon sa kanila sa pagtupad ng kanilang mandato na magbigay ng mahalagang serbisyo sa kanilang mga nasasakupan.

Sumusunod ang inisyatibang ito sa kamakailang malaking paglulunsad ng “Marikina City Health Caravan” na pinangunahan ng Pimentel tambalang Pimentel-Teodoro sa Barangay Sto. Niño, Marikina.

Naglaan ang health caravan ng libreng serbisyong medikal sa halos 1,000 residente, kabilang ang mga pagsusuri sa laboratoryo, konsultasyon, gamot, at bitamina. Bukod dito, ang mga dumalo ay pinaglingkuran ng iba’t ibang street food at nakatanggap ng limang pack ng bigas.

AUTHOR PROFILE