Cacdac

Cacdac itinalagang kalihim ng DMW

April 25, 2024 Chona Yu 68 views

ITINALAGA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Undersecretary Hans Leo Cacdac bilang kalihim ng Department of Migrant Workers (DMW).

Pupunan ni Cacdac ang nabakanteng puwesto ng namayapang si Secretary Susan Ople.

Naitalagang kalihim si Cacdac isang taon matapos maitalagang officer-in-charge ng DMW.

Bago naitalaga sa DMW, nagsilbi si Cacdac bilang Executive Director V ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA); Executive Director V ng Philippine Employment Administration (POEA); at Undersecretary of the Department of Labor and Employment (DOLE).

Nagsilbi rin si Cacdac bilang Executive Director IV ng National Conciliation Mediation Board-DOLE; Director IV ng Bureau of Labor Relations-DOLE; at Associate Lawyer and Urban Poor Unit Coordinator ng Sentro ng Alternatibong Lingap Panligal (SALIGAN).

AUTHOR PROFILE