Angelica

Angelica buntis pero wala pang usapan ng kasal

March 21, 2022 Aster Amoyo 884 views

HALOS magkasunod na araw lamang ibinahagi ng magkaibigang Dimples Romana at Angelica Panganiban ang kanilang pagbubuntis. Si Dimples ay nagdadalang-tao ngayon sa kanilang pangatlong anak ng kanyang husband na si Boyet Ahmee. Ang panganay nilang si Callie ay 18 years old na habang ang kanilang second child na si Alonzo ay 7 years old naman. Never na inakala ng mag-asawang Dimples at Boyet na masusundan pa ang kanilang pangalawang anak .

Marami naman ang ginulat ng 35-year-old Kapamilya star na si Angelica Panganiban nang i-share nito sa kanyang Instagram account na siya’y buntis ngayon sa kanyang magiging first baby courtesy of her non-showbiz boyfriend, ang Australian businessman na si si Gregg Homan na official niyang naging kasintahan nung July 2020.

“Sa wakas!!! Magagampanan ko na rin ang pinakahihintay at pinaka-importanteng papel ng buhay ko. Magiging ganap na INA na po ako.

“Opo, may matres ako mga baklaaah! Ipinagpapasalamat ko na rin ang mga kapamilya, kaibigan at mga marites na sumuporta, nagdiwang, nagdasal at patuloy na nagdadasal para sa pamilya namin. Waaaaah! Huhuhu may pamilya na ako. Kaiyak, pramis,” post ni Angelika sa kanyang IG account last Sunday na umani ng mga pagbati mula sa kanyang mga kaibigan in and out of showbiz tulad nina Ynna Asistio, Camille Prats, Marian Rivera, Alyssa Valdez, Vhong Navarro, Kim Chiu, Janine Gutierrez, Sarah Lahbati, Bianca Gonzales, Mariel Padilla, Jolina Magdangal, Bea Alonzo, MJ Lastimosa, Pooh, Maxene Magalona Isabel Oli-Prats, Kaye Abad, Maja Salvador, Glaiza de Castro, Isabelle Daza, Direk Antoinette Jadaone, Patty Yap, Barbie Imperial, Lotlot de Leon, Pocholo Barretto, Regine Angeles, Direk Mae Cruz-Alviar, Neil Arce, Ara Arida, Javi Benitez, Elisse Joson, Jerald Napoles, Ina Feleo, Yam Concepcion, Pokwang, Miles Ocampo, Xander Angeles, Ritz Azul, China Cojuangco, Marco Gumabao, Candy Pangilinan, Nadia Montenegro, Kean Cipriano, Dimples Romana, Iza Calzado, Direk Dan Villegas, Sunshine Garcia, Enchong Dee, Chynna Ortaleza, Cai Cortez, Cherry Pie Picache, Ana Feleo, Charlene Gonzales, Chito Miranda, Loisa Andalio, Pauleen Luna-Sotto, DJ Chacha, Kitkat, Melissa Ricks, Nikki Valdez, Direk Andoy Ranay at marami pang iba.

Ngayong magkaka-baby na si Angelica, tiyak na pahinga muna ito sa kanyang trabaho bilang aktres at haharapin muna nito ang pagbubuntis and eventually sa kanyang panganganak.

Although buntis na si Angelica, hindi pa rin nito nababanggit kung may plano silang magpakasal ni Gregg na naka-base ngayon sa Subic, Zambales kung nasaan ang kanyang business.

Si Gregg ang kauna-unahang non-showbiz boyfriend ni Angelica. Pawang mga taga-showbiz ang kanyang mga naging boyfriend noon na sina Carlo Aquino, Derek Ramsay at John Lloyd Cruz.

Hindi pa man kasal si Angelica sa kanyang present partner, mas excited siya ngayon sa bagong phase ng kanyang buhay, ang maging isang ganap na ina.

FrancineFrancine1Francine on her own

AFTER doing two hit series sa Kapamilya channel, ang afternoon series na “Kadenang Ginto” at primetime series na “Huwag Kang Mangamba,” 18-year-old Kapamilya young star Francine Diaz is ready to explore bilang solo star kasama ang tatlong bagitong young actors na sina KD Estrada, Morishita Akira at Ashton Salvador sa kanyang kauna-unahang romantic comedy series na “Bola Bola” na dinirek ni JP Habac under Dreamscape Entertainment for iWant TFC. Kasama rin sa nasabing serye sina Arlene Muhlach, Allan Paulo J-Mee Katanyag, at si Vance Larena na siyang pumalit sa actor na si Albie Casino.

Dito ngayon masusubukan kung kaya nang mag-solo ni Francine nang hindi umaasa sa isang ka-loveteam o kasama ang Gold Squad members na sina Andrea Brillantes, Kyle Echarri at Seth Fedelin.

Pagkatapos ng “Huwag Kang Mangamba” TV series, mukhang tapos rin ang loveteam nina Francine at Kyle.

BootsBoots1Boots ayaw magretiro

VETERAN actress Boots Anson Roa-Rodrigo turned 77 nung nakaraang January 30 pero hanggang ngayon ay aktibo pa rin siya sa kanyang showbiz career maging ang kanyang pagiging chairman ng MOWELFUND or Movie Workers Welfare Foundation, Inc. na itinatag ng dating actor-producer-turned politician at dating Pangulong Joseph `Erap’ Estrada in 1974 para makatulong sa mga manggagawang Pilipino.

Kung sa ibang sector ay 60 years old ang retireable age, not in the case of Boots na ni-enjoy pa ang kanyang iba’t ibang ginagawa at pagiging isang aktres na kaya pa naman niyang gawin.

“Parang therapy ko na rin ang pag-arte,” ani Boots na mahilig ding magsulat.

There was a time sa buhay ni Boots na may tatlong tao siyang inalagaan na may sakit nang sabay-sabay, ang kanyang yumaong mister na si Pete Roa, ang kanyang bunsong anak na si Joey Roa at ang kanyang yumaong ama, ang dating actor na si Oscar Moreno habang patuloy siya sa kanyang ibang gawain bilang aktres, bilang president ng MOWELFUND, teaching at pagsusulat.

She lost her dad in 2003 and her first husband in 2007 pero ang kanyang bunsong anak na si Joey ay gumaling sa sakit nito sa kidney.

Except for Joey na hindi na nag-asawa, ang tatlo pang mga anak ni Boots sa kanyang yumaong mister na si Pete Roa na sina Chiqui, Lea at Ben ay pare-pareho nang may mga pamilya at may mga apo na rin siya sa mga ito.

In 2014, Boots married Atty. King Rodrigo na matagal na ring biyudo sa kanyang unang asawa at may mga anak din sa kanyang unang asawa.

Si Atty. King ay anak ng yumaong dating senador na si Atty. Francisco `Soc’ Rodrigo.

SUBSCRIBE, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE